^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Muling pagpapatupad ng No Contact Apprehension Policy

Pilipino Star Ngayon

Muling ipinatupad noong Lunes (Oktu­bre 5) ang No Contact Apprehension Po­licy (NCAP) sa Maynila, Muntinlupa, Quezon City at San Juan.

Sa ilalim nito, camera ang huhuli sa traffic violation at ipapadala na lamang sa vehicle owner ang notice at multa.

Ang mga lungsod ng Valenzuela at Parañaque naman ay nagpasyang ipagpaliban muna ang implementation ng NCAP.

May magandang dahilan para gamitin ang teknolohiya sa traffic enforcement.

May litrato o video ng violation at nababawasan ang direktang interaction sa enforcer at kasama nito ang pagkakataon para sa maka­iwas sa kotong o pakiusap sa kalsada.

Pero kung ibabalik ang NCAP, hindi sapat­ na mahusay ang camera. Dapat malinaw at patas­ din ang buong proseso pagkatapos maku­hanan ang motorista.

Tiniyak ng MMDA na walang double penalties dahil magkahiwalay ang lokasyon ng LGU at MMDA cameras.

May online protest mechanism din para kuwestiyunin ang citation.

Magandang safeguards iyan, pero dapat ma­daling gamitin sa aktuwal, hindi lang nakasulat sa guidelines.

Paano kung mali ang plate number? Paano kung hindi ang registered owner ang nagmamaneho?

Paano kung may emergency?

Kailangang mabilis makita ng motorista ang ebidensiya at malinaw kung saan at paano mag­hahain ng reklamo.

May dagdag pang problema ngayon: gina­gamit na rin ng scammers ang NCAP. Nagbabala ang MMDA at PNP laban sa pekeng text tungkol sa traffic violations na may kahina-hi­nalang links at humihingi ng personal o financial information.

Kaya lalong kailangan ng isang malinaw at madaling makilalang official notification system.

Dapat ding transparent kung saan napupunta ang nakokolektang multa at kung ano ang nata­tanggap ng private contractors.

May mga usapin na ring binanggit tungkol sa compensation arrangements sa dating NCAP setup.

Disiplina ang layunin dapat ng NCAP, hindi kalituhan, hindi pananakot, at lalong hindi pag­kakakitaan ng mga nagpapatupad nito.

Sana sa pagkakataong ito ay maipatupad nang maayos, naaayon at may kabuluhan ang No Contact Apprehension Policy.

NCAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with