Bilang na ang araw ni ‘Pompee’ sa BOC
NABIBILANG na ang araw ng mataas na opisyal ng Bureau of Customs (BOC) na si alias “Pompee”. Hiniling ng mga stakeholder kay President Ferdinand Marcos Jr. na paimbestigahan ang smuggling activities at korapsyon sa (BOC) na nagaganap sa ilalim ni Pompee.
Ayon sa mga nakausap kong importers, exporters at brokers sobra na umano ang ginagawang panggigipit sa kanila ni Pompee. Mula nang maitalaga sa puwesto si Pompee noong Hunyo 2025, lumaganap pa ang smuggling activities ng agricultural product, tobacco products, electronic, fuel, motor vehicles, at iba pang basic commodities.
Nagmamadali si Pompee na yumaman gamit ang kanyang kapangyarihan sa BOC. Nalaman ko mula sa mga stakeholder, ang isang field station sa isang pantalan sa Maynila ang kumukulekta ng pera para sa illegal entry ng sigarilyo, electronic cigarettes, at general merchandise.
Dahil sa aktibidad, ang nasabing pantalan ay naging focal point umano ng illegal na pagpasok ng mga ipinagbabawal na produkto. Anila, isang barangay captain sa Muntinlupa ang nakikipagsabwatan kay Pompee.
Noong 2022 nabanggit na ang pangalan ng barangay captain sa Senate report bilang major agricultural smuggler na nag-o-operate sa Subic, MICP, Port of Manila, Batangas, at Cebu.
Nalaman ko sa stakeholders ng BOC, umaakto ang barangay captain na kolektor ng BOC.
Isa namang captain na nakatalaga sa Coast Guard Intelligence Force at Task Force Aduana ang naiugnay sa umano ay pagkolekta ng “tara” mula sa importers at brokers.
Kahit na-assign na sa ibang coast guard base ay nagpatuloy pa umano ang aktibidad ng captain sa fuel at tobacco smuggling dahil sa pagiging malapit niya kay Pompee.
Dahil sa smuggling activities, sinabi ng grupo na bumaba ang revenue collections sa maraming pantalan sa bansa kabilang ang sa Batangas, Subic, Surigao, MICP, Zamboanga, Cagayan de Oro, Davao, Iloilo, at sa Port of Manila.
Umapela ang stakeholders kay Marcos na imbestigahan si Pompee at mga tauhan nito.
Kahit binabanatan si Pompee sa mga illegal na paihi sa Calabarzon at Central Luzon ay hindi naritinag dahil sa pagiging untachable ni Pompee .
Dapat patawan ng preventive suspension si Pompee habang isinasagawa ang imbestigasyon. At kung mapatutunayang guilty, dapat ay sampahan si Pompee ng kasong adminsitratibo at criminal.
Magsagawa rin ng audit at review sa revenue performance, enforcement actions, at container profiling results sa mga sangkot na pantalan.
- Latest
















