Sec. Dizon, ipinahiya ang DPWH official!
HAPPY birthday Nanay Mayen!
• • • • • •
Maraming nadismaya sa kilos ni DPWH Secretary Vince Dizon kung saan nakita s’ya sa social media na pinapagalitan ang babaeng opisyal ng departamento sa isyu na wala namang kaugnayan sa trabaho nito.
Sa totoo lang, itong si Boss Vince na lang ang poster boy ng gobyerno dahil sa papel nito sa imbestigasyon sa flood control scam. Subalit hindi lisensiya itong kasikatan n’ya para ipahiya ang DPWH official sa hindi binanggit na probinsiya. Get’s n’yo mga kosa?
Obviously, tinatakot ni Boss Vince ang lady official dahil gaya ng alam natin ay kinasuhan na ng Ombudsman sa Sandiganbayan ang mga taga-DPWH-Mimaropa at iyong iba nga ay nakakulong na matapos kusang loob na sumuko.
Wala namang masama na manakot si Vince, pero tama ba ang ginawa niya? Maging mas maingat sana si Boss Vince sa mga sinasabi niya sa publiko sapagkat hindi naman siya ang tamang tao para magsabi at humatol kung guilty o hindi ang mga akusado. Hindi siya korte. Mismooo!
Kamakailan, may isang reel na ini-upload sa Facebook ang nadaanan ng Dipuga at doon ay ipinakita na pinagagalitan ni Boss Vince ang isang babae na tila opisyal ng DPWH. Apparently, nagagalit si Boss Vince dahil wala siyang nadatnang nagtatrabaho sa isang proyekto, na ayon sa kanya, ay awarded na.
Baka naman kasi nagsilayasan na ang mga trabahador dahil banned na ni Vince ang kontratista nila? Sa gitna ng pananakot …este pagsesermon pala, binanggit bigla ni Boss Vince na kailangang ayusin ng opisyal ang trabaho, kung ayaw niyang matulad sa mga taga DPWH-Mimaropa na ipinakulong niya kuno.
Lakas niyang makakuha ng credit na siya ang nagpakulong ha, kahit alam niyang wala naman siyang papel sa kusang pagsuko ng mga taga-DPWH. Dipugaaa! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Dahil kasi sa ginawa niya, parang hinatulan na ni Boss Vince ang mga taga DPWH-Mimaropa ng guilty, kahit ni hindi pa nasisimulan ang hearing sa Sandiganbayan.
Malaki kasi ang pinagkaiba ng inakusahan pa lang keysa sa nahatulan na matapos ang masusing paglilitis ng isang competent na hukuman. Sabagay hindi natin masisisi si Boss Vince.
Alam naman natin na hindi siya technical person at hindi rin inhenyero. Natalaga lamang siyang DPWH secretary dahil mahusay siya magsalita, at magaling na projection sa harap ng media.
Pero sa totoo lang ay wala talaga siyang kaalam-alam sa trabaho ng isang inhenyero, kaya kung ano lang ang nakikita niya sa isang proyekto ay iyon lang ang akala niyang aktwal na nangyayari. Sanamagan! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Pero teka nga muna! Bakit pala una niyang sinampahan ng kaso ang mga taga DPWH-Mimaropa keysa sa ibang mga lugar na mas talamak ang katiwalian gaya ng Bulacan, na inamin pa mismo nina District Engr. Henry Alcantara at ADE Brice Hernandez na may ghost projects sa lugar nila?
Dahil gusto lang ba niya gawing poster boys sa anti-corruption campaign ng pamahalaan ang mga taga-Mindoro dahil mga ordinaryong probinsyano lang sila? Tanong lang po! Pero dapat kuwidaw si Boss Vince dahil matindi ang paninindigan ng mga abogado ng mga akusado na inosente at walang kinasangkutang korapsyon ang kanilang mga kliyente.
Sa isang press briefer, sinabi nila ”the flood control project in question is NOT A GHOST PROJECT. It is an almost completed construction activity, which remains structurally sound and serviceable despite several strong typhoons that recently hit the province.” Tsk tsk tsk!
Na wow mali kaya si Boss Vince? Abangan!
- Latest















