^

PSN Opinyon

Kabag at mahapding sikmura

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

KAPAG ang hangin ay hindi nailabas ng pagdighay at pag-utot, ito ay mabubuo sa tiyan at bituka na dahilan ng pagkakaroon ng hangin (bloating). Ang sakit ng tiyan ay maaaring hindi masyadong masakit o kaya naman ay matigas at sobrang sakit ito ay nangyayari kung mahangin ang tiyan o may kabag.

Kung maaalis ang hangin ay mawawala ang sakit. Kaugnay din dito ang LBM at lactose intolerance. Ang pagkain ng matataba at mga pagkain na nakapagbibigay ng hangin sa ating tiyan gaya ng beans, at iba pang gulay, ang mahangin na tiyan ay resulta rin ng stress, labis na pag-aalala at paninigarilyo.

Tips para hindi kabagan:

1. Magbawas sa mamantikang pagkain. Dahil napapatagal nito ang pagtunaw ng pagkain.

2. Bawasan ang mga pagkaing nagbibigay ng hangin sa tiyan. Tigil ang soft drinks. Bawasan ang beans, peas, repolyo, sibuyas, broccoli, cauliflower, pasas, prunes, bran cereals at muffins.

3. Iwasan din ang pagkain ng chewing gum at matigas na candy.

Mahapding sikmura

Ang paghapdi ng sikmura ay dahil sa sobrang acid. Ang tawag dito ay gastritis o hyperacidity at kung lumala ay puwedeng maging ulcer.

Hindi lang gamot ang solusyon sa paghapdi ng sikmura. Narito ang ilang lunas na maaring gawin:

1. Kumain ng pakonti-konti pero madalas sa isang araw. Halimbawa, kumain ng 7:00 ng umaga. Magsaging ng 10:00 a.m. Mag-lunch ng kaunti lang. Magmeryenda ng tinapay sa 4:00 p.m. Mag-dinner ng 7:00 ng gabi. Kahit busy ka sa trabaho, huwag kalimutang kumain sa oras. Ingatan ang tiyan.

2.Kumain ng saging. Napaka-healthy ng prutas na ito. Ang saging ay parang gamot din dahil natatapalan nito ang ating sikmura. Saging ang baon ko at ­kinakain  kapag humahapdi ang sikmura.

3. Uminom ng tubig pakonti-konti. Malaki ang naitutulong ng pag-inom ng tubig sa paglinis ng acid sa tiyan. Ang tamang pag-inom ay ang paglagok ng konting tubig bawat 20 minutos. Sa ganitong paraan, mahuhugasan at malilinis ang acid sa tiyan.

4. Umiwas sa maasim at maanghang na pagkain. May mga pagkaing sadyang nakahahapdi ng tiyan. Umiwas sa mga sobrang spicy na pagkain. Ang sili, kalamansi, suka, sinigang na sobrang asim at pineapple juice na puro ay puwedeng magdulot ng paghapdi ng sikmura. Ang sobrang lamig na inumin ay nakakairita rin ng tiyan.

5.Hindi na kailangan ng gamot sa ordinaryong paghapdi ng sikmura. Kumain na lang ng mga pagkaing ikaka-relax ng ating tiyan. Mag-relax din habang kumakain para hindi ma-stress ang katawan.

BLOATING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with