^

PSN Opinyon

Pagkaing panlaban sa kanser

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Tuturuan ko kayo ng isang ulam na mabisang panlaban sa kanser. Ito ang aking espesyal na ulam ng top 4 anti-cancer foods.

1. Bawang at sibuyas – Sa pagsusuri, ang mga sibuyas ay malakas pumigil sa paglago ng cancer cells. Ang bawang ay may sankap na ally sulfides, na tumutulong sa pagsugpo ng kanser sa colon, suso, baga at prostate.

Para maging epektibo, ang bawang ay kailangang durugin at prituhin ng kaunti. Huwag sunugin. Puwede ring kainin ng hilaw ang bawang, pero mag-ingat lang at nakahahapdi ito ng sikmura.

2. Shiitake mushrooms na nabibili sa palengke - Ang Shiitake mushroom ay may polysaccharides at lentinian, na nagpa­palakas sa ating immune system (katawan). Kapag malakas ang ating immune system, mas hindi tayo magkakasakit.

Sa Japan, ang mga pasyeteng nag-che-chemotherapy ay pinapakain ng Shiitake mushrooms para bumilis ang kanilang paggaling.

3. Carrots - Ang madilaw na prutas at gulay ay may taglay na vitamin A at lycopene na tumutulong makaiwas sa kanser. Kasama ang mga carrots, kamote, kalabasa at kamatis.

Sa isang anim na taong pagsusuri sa breast cancer, napag-alaman na ang mga pasyenteng kumakain ng ganitong pagkain ay mas humaba ang buhay kumpara sa hindi kumakain nito.

4. Broccoli o cauliflower – Ang mga cabbages tulad ng bok choy, broccoli, cauliflower at brussels sprouts ay may sangkap na sulforaphane, na mabisang panlaban sa kanser.

Sa pagluluto ng gulay, i-steam o lutuin lang ng bahagya na may kasamang olive oil. Huwag pakuluan ang gulay dahil mawawala ang bisa nito laban sa kanser.

Paraan ng pagluluto:

1. Gamitan ng konting mantika lang. Igisa ang bawang at sibuyas.

2. Ilagay na ang half cup ng Shiitake mushrooms.

3. Pagkaraan ng dalawang minuto, ilagay ang one cup ng hiniwang carrots. Lagyan ng dalawang kutsarang oyster sauce at one-fourth na basong tubig.

4. Pagkaraan ng dalawang minuto, ilagay na ang two cups ng broccoli. Lagyan ng tubig kapag natutuyo na ang gulay. Maghintay ng limang minuto hanggang maluto na ang gulay.

5. Huwag i-overcook ang gulay para maiwan ang sustansya. Huwag din damihan ang sarsa para manatili ang bitamina sa gulay.

KANSER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with