Perfect place to relax...
Miko's Place Farm
Ngayon araw na ito ay ibabahagi ko sa inyo ang isa pang luntiang farm na perfect place para makapag-relax.
Ang aking tinutukoy ay ang Miko’s Place Farm na makikita sa 41 Balanot Sierra Road, Balanoy Lapaz, Tarlac.
Ang Miko’s Place Farm ay pag-aari ni Engr. Jay Bernardo, local government employee na na-katagala sa Public Safety and Traffic Management Department ng Caloocan City.
May lawak na halos tatlong ektarya ang Miko’s Place Farm na may tanim ng iba’t ibang uri ng gulay, prutas, alagang isda na black and red tilapia, pangasius, manok, itik, native pigs, crayfish, ostrich at iba pa.
Ayon kay Engr. Bernardo, ang Miko’s Place Farm ang siyang kanyang pampaalis ng stress sa kanyang napaka-busy na trabaho sa Caloocan City.
“Kapag pagod, stress at nabo-boring ako sa trabaho, ang Miko’s Placa Farm ay reliever o libangan ko,” aniya.
Bukod sa mga tanim na gulay sa lupa o conventional farming ay mayroong dalawang green-house sa Miko’s Place Farm na may high value crops na lettuce na Hydroponics NFT method of farming.
The best din ang dalawang tower hydroponics na may grow lights, mga tanim na siling astals at unlimited na supply na Chinese kangkong at iba pa.
Smart farming ang set up ng dalawang green house sa Miko’s Place Farm na puwedeng padaluyan ng tubig ang mga halaman kahit wala ka sa lugar.
Sinabi ni Engr. Bernardo, ang kanilang mga guest sa Miko’s Place Farm ay maaa-ring ma-experience ang pick and pay sa kanilang mga tanim at maging ang mag-fishing o mangisda.
“Guest my enrich their farm, fishing, native pigs and pool experience,” ani Engr. Bernardo.
Inihayag pa niya na garantisado na healthy for the mind and body ang mga ani nila sa Miko’s Place Farm.
“Fresh lettuce, no insecticide, malutong, masarap, sariwa. Open for picking and viewing for the guest,” sabi pa ni Engr. Bernardo.
Sa mga nagnanais bumisita o naghahanap ng magandang zevent place na mayroong private pool at mga magaganda at fully airconditioned rooms ay tumawag lamang kayo o mag-text sa 0939-925-43-07.
Bukas ang Miko’s Place Farm ng alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon mula Martes hanggang Linggo.
Ngayong Linggo, November 9, 2025 ay mapapanood ninyo ang interview at farm tour kay Engr. Bernardo sa TV show ng Magsasakang Reporter na Masaganang Buhay.
Samantala, para sa iba pang tips at sikreto sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan ay maari po kayong manood at makinig ng aking TV program na Masaganang Buhay tuwing Linggo, alas-7:00 hanggang alas-8:00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5. Mapapanood din sa RPTV, Facebook at Youtube.
Maaari rin kayong manood at mag-subscribe at mag-follow sa aking Youtube Channel na ANG MAGSASAKANG REPORTER at Facebook profile na Mer Layson at Facebook page na Ang Mag-sasakang Reporter, TV host Vlogger, Tiktok na Magsasakang Reporter para sa iba pang kaalaman at impormasyon sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan.
Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Nga-yon (PSN) ng Star Media Group of Publications.
Nitong nakalipas na June 20, 2025 ay ginawaran ang Magsasakang Reporter bilang Excellence in Media Agriculture and Community Empowerment ng Global Filipino Achievers Awards sa Sydney Australia.
Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text, huwag po tawag, sa 09178675197. STAY SAFE, SALAMAT PO, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.
- Latest















