^

PSN Opinyon

Masama ba ang pasa sa katawan

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Karaniwang dahilan ng pagpasa (bruises):

1. Manipis ang balat – Ang pasa ay nangyayari kapag ang mga daluyan ng dugo sa ilalim ng balat ay nabugbog o tumama ito kaya maaaring magdugo sa ilalim ng balat, Kung ang balat ay nawala ang collagen dahil sa epekto ng pag-tanda, ito ay mas madaling mapinsala.

2. Laging naaarawan – Ang balat na napinsala ng UV rays ng araw at nawawalan ng buhay at katatagan. Kaya mas madali o mas kapansin-pansin ang pasa.

3. May iniinom na gamot – Ang aspirin, steroid, at blood thinner ay maaaring magpabagal sa pagbuo ng dugo (blood clotting). Kaya kapag tumama ang tuhod sa kama, maaaring magkaroon ng mas malaking pagdurugo sa ilalim ng balat o magka-pasa.

4. Pagbuhat ng mabigat – Minsan ang pagbubuhat at pag-aangat ng may puwersa ay nagdudulot ng pagkasira ng fibers sa balat. Ito ang nagdudulot ng pagpasa.

5. Namana sa magulang – May tao na mas madaling magpasa. Kung ang mga magulang lalo na ang iyong ina ay nag­kakaroon ng pasa sa walang kadahilanan, malamang ito rin ay iyong namana sa kanya.

6. Maputi ang balat – Kung maputi at maputla ang iyong balat, mas madali makita ang mga pasa kaysa sa mas maitim ang balat. Pareho din ang laki ng pasa pero mas pansinin lang sa mapuputi.

7. May seryosong sakit – Ito ay bihira lang, ngunit kung minsan ang pagpapasa ay maaaring maging tanda ng sari-saring blood clotting disorder at leukemia. Kumonsulta sa iyong doktor para maka-siguro.

8. Abuso sa bahay – Ikonsidera din ang pang-aabuso sa tahanan kung nakakakita ka ng madalas na pasa sa iyong kaibigan.

Kumunsulta sa doktor kung may ganito:

1. Malalaking pasa, lalo na kung lumitaw ito sa iyong balakang, likod at mukha.

2. Biglaang pagpasa ng magsimulang uminom ng gamot.

3. History sa pamilya na madaling magkapasa.

Mga dapat gawin: Karamihan sa pasa ay kusang nawawala. Ang paggaling lang ay mas matagal habang nagkakaedad. Maaaring makatulong ang pagtaas sa may apektadong lugar at paglagay ng yelo.

KATAWAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with