^

PSN Opinyon

Cheese na may langgam, nauuso ngayon sa Brazil!

MGA KWENTONG WEIRD - Ronniel Niko B. Halos - Pilipino Star Ngayon

ISANG kakaibang klase ng keso mula Brazil na may halong native leafcutter ants, ang biglang sumikat at umani ng international recognition.

Ang Taiada Silvania ay nilikha ni Camila Almeida. Ayon kay Almeida, nabuo ang ideya ng kesong may langgam habang naghahanap ng paraan para makahikayat ng mga turista sa kanilang lugar.

Dahil matagal nang bahagi ng lokal na lutuin ang Içá leafcutter ants, naisip niyang subukan itong ihalo sa kanilang keso. Ang tagumpay ng Taiada Silvania ay lumampas sa kanyang inaasahan mula nang ilunsad ito noong 2021.

Unang pinarangalan ang Taiada Silvania sa 2021 Mondial du Fromage et des Produits Laitiers sa France, kung saan nanalo ito ng bronze medal.

Mula noon, nakatanggap pa ito ng mga para­ngal sa iba’t ibang cheese competition sa South America at nagkaroon na rin nang malaking fan base sa Brazil.

Gawa ito sa hilaw na A2 milk at mga toasted içá ants, ang Taiada Silvania ay isang matamis at matigas na keso. Inilalarawan ang lasa nito na may hawig sa almonds at chestnuts, fennel, at ang mayroon itong natatanging crunch dahil sa mga langgam. Ibinibenta ito ng 200 Brazilian reais (katumbas ng ?2,200) bawat kilo.

CHEESE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with