^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Drug test sa government officials

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL — Drug test sa government officials

MARAMING gumagamit ng illegal na droga at kabilang dito ang mga empleyado ng gobyerno. Nang pumutok ang balitang isang babaing staff ni Senator Robin Padilla ang nagma-marijuana sa mismong ladies room ng Senado, marami ang na-shock. Ganun na ba kalulong sa marijuana ang babaing staff at maski sa Senado na isa sa sangay ng pamahalaan ay nagawa ang ipinagbabawal na paggamit ng droga.

Maski si Senate Minority Leader Vicente Sotto III ay nagimbal nang sumabog ang balita. Sabi ni Sotto, nakahihiya ang nangyari. Ang kapal naman daw ng mukha ng gumawa niyon at sa Senado pa.

Tinukoy ang babaing staff na si dating aktres Nadia Montenegro na gumagamit ng marijuana. Naamoy umano ng babaing staff ni Sen. Panfilo Lacson na may nanini­garilyo ng marijuana at galing ang amoy sa ladies com­fort room. Hanggang nakita ng staff na lumabas sa ladies room si Nadia.

Itinanggi naman ni Nadia ang akusasyon na guma­gamit siya ng marijuana at sinabing posibleng ang vape na nasa kanyang bag ang naamoy. Dahil sa kontrober­siya, nagbitiw na si Montenegro bilang political affairs officer staff ni Senator Padilla. Ginawa ni Nadia ang pag­bibitiw sa pamamagitan ng isang sulat. Sinabi ni Nadia na walang batayan ang inaakusa sa kanya. Ma­lisyoso umano niya ang balita na agad ibinahagi sa media. Wala namang pahayag si Padilla sa pagbibitiw ni Nadia.

Subalit kasabay sa init ng kontrobersiya ni Nadia, inihain naman ni Padilla ang panukalang batas na dapat sumailalim sa taunang mandatory drug testing ang mga halal at itinalagang opisyal ng pamahalaan kasama ang Presidente ng bansa.

Sa Senate Bill 1200 na pinamagatang “Drug-Free Government Act”, nakasaad na dapat i-institutionalize ang yearly mandatory drug test sa mga pampubli­kong opisyal, gayundin ang voluntary random drug testing sa mga kandidato sa loob ng 90-araw bago ang araw ng election. Sinabi ng senador na bilang mga empleyado ng mga pampublikong tanggapan, ang mga opisyal ay dapat sumailalim sa mandatory random drug testing, alinsunod sa kanilang mandato na isulong ang kapakanan ng publiko at tumulong na mabawasan, kung hindi man maalis, ang paggamit at pang-aabuso ng droga sa mga komunidad.

Maganda ang layunin ng isinusulong na panukala at sana ay maaprubahan. Kung maipapasa, ito ang sagot para maputol ang pagkalulong sa droga ng mga taong nasa gobyerno. Dapat lang maging maingat sa pag-drug test at baka magkaroon ng hokus-pokus.

DRUG

TEST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with