^

PSN Opinyon

Monggo at malunggay: Maraming pakinabang

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

NAPAKARAMING benepisyo ang monggo sa puso, utak at katawan. Hindi ito masama o bawal sa mga may arthritis. Maari itong kainin dahil napakasustansiya. Narito ang mga benepisyo ng monggo:

1. Mahusay ang monggo para sa mga lumalaking bata at sa matatanda rin dahil sa kumpleto sa bitamina at mineral.

2. Bagay sa may diabetes at maganda sa puso dahil walang cholesterol at ang fiber sa monggo ay laban sa bad cholesterol.

3. Ang high fiber nito ay may cholecystokinin, para mabilis mabusog, mas konti ang makakain, kaya mas makakapagbawas ng timbang. Bagay din sa nagtitibi at may IBS o Irritable Bowel Syndrome na maganda sa tiyan at pagtunaw.

4. Puwedeng kainin ng maysakit sa atay dahil pinagkukunan ng protina, albumin at globulin, isoleucin, leucine, valine.

5. Puwede rin sa may sakit sa kidney kasi ang protina nito ay galing sa gulay at hindi sa karne.

6. Merong folate o folic acid ay dapat kakainin ng nanay na buntis para sa nervous system ng sanggol.

7. Maraming taglay na iron na nagdadala ng oxygen sa buong katawan at sa utak para focus at maganda ang me­morya kaya bagay sa matanda, bata na nag-aral at anemic.

8. Kumain ng monggo sapagkat pampalakas ng immunity­ at may kakayahang makaligtas sa pagkakasakit.

* * *

Napakasustansiya ng malunggay. Marami itong bitamina na mahalaga sa katawan.

Ang dahon ng malunggay ay punumpuno ng calcium at iron. Ang calcium ay nagpapatigas ng ating buto at panlaban sa osteoporosis. Kung anemic o kulang sa dugo, sagana ang ma­lunggay sa iron na nagpapadami ng dugo.

Mataas din sa protina, potassium, vitamin A at vitamin C ang malunggay. Ang mga bitaminang ito ay tinatawag na anti-oxidants. Ito yung lumalaban sa stress at nagpapabagal sa pag-edad ng ating katawan.

Ang bunga ng malunggay ay masustansiya rin at ma­taas sa carbohydrates, calcium, iron at phosphorus.

At dahil sa bitamina nito, ang malunggay ngayon ang pinapakain sa mga payat at malnourished na bata.

Mura at masustansiya ang malunggay. Puwedeng-puwede sa mga feeding program ng gobyerno at mga volunteer groups.

Narito ang mga mahahalagang dulot ng malunggay sa katawan:

1. Pampalakas – Kumain ng 1 tasang dahon ng malunggay­ araw-araw para mapunuan ang bitaminang kailangan ng katawan.

2. Pamparami ng gatas ng ina – Kapag kulang ang gatas ng ina, kumain din ng 1 tasang dahon araw-araw. Puwede din pakuluan ang dahon at gawing tsaa at inumin.

3. Para sa constipated – Kapag tinitibi, kumain din ng 1-2 tasang dahon sa gabi. Makatutulong ito sa pagnormal ng pagdudumi.

4. Itapal sa sugat – Kapag may sugat, puwedeng ilagay ang dinurog na malunggay leaves sa sugat. Hugasan muna ang dahon at durugin ito. Lagyan ng konting tubig at initin. Pagkatapos ay ilapat ang malunggay “paste” sa sugat.

GULAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with