DOH funds nawaldas?
REKLAMO ng Private Hospitals Association of the Philippines (PHAPI) - pitong bilyong piso na ang utang ng Department of Health (DOH) sa kanila. Kawawa ang mga mahihirap na umaasa sa programang Medical Assistance for Indigents and Financially Incapacitated Patients.
Ayon kay Sen. Joel Villanueva, sa kabila ng problema, nasa 19 na trip abroad ang ginawa ni Health Secretary Ted Herbosa mula pa nang maitalaga siya sa posisyon noong June 2023. Dapat ipaliwanag ni Sec ang isyu.
Kahit pa sinabi ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro na may sapat na pondo ang DOH para sa mga mahirap, ang reklamo ng mga private hospitals ay hindi pa sila nababayaran. Heto ang listahan ng mga foreign trips ni Herbosa:
Noong July 2023, lumipad si Herbosa sa Sydney, Australia. Nang sumunod na buwan ay sa Japan naman (September 14, 2023). Sa New York noong September 25, 2023 at Dubai noong November 30, 2023.
Nagpunta rin siya sa Ista nbul matapos yaon at noong February sa Seoul, South Korea noong February 19, 2024. Heto pa ang mahabang litanya ng itinerary ni Sec.
Sa Singapore noong March 17, 2024, Australia noong April 15, 2024, Abu Dhabi noong May 12, 2024, Dubai noong May 23, 2024, San Francisco, USA (June 19, 2024), Tokyo (July 16, 2024), Kuala Lumpur (August 6, 2024), Bangkok (August 12, 2024), Abu Dhabi (November 3, 2024), Doha, Qatar (December 8, 2024) at Tokyo (December 25, 2024).
Naging president si Herbosa ng World Health Assembly (WHA) ngunit magbabayad ang Pilipinas ng P150 million na commitment amount kada taon para sa kanyang puwesto sa WHA.
Sa 78th Session of World Health Assembly noong May 2025 sa Switzerland, 54 katao ang nakasama ni Herbosa. Kasama na rito ang misis niya na si Dra. Grace Herbosa. All expenses paid by taxpayers?
Ang nagastos ay sapat para ipambayad sa mga utang ng DOH. Ang sobra ay maipambibili ng mga kinakailangan sa health care program. Ayos lang ang mga official travel na may mabuting layunin. Pero kung ang ibubunga ay maisasakripisyo ang serbisyo sa tao, makonsensya naman kayo!
- Latest















