^

PSN Opinyon

Mabisang tips sa kalusugan

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

1. Kumain ng mas kaunti – Maraming pag-aaral ang nagpakita na ang pagbabawas sa pagkonsumo ng calories ay nagpapahaba ng buhay. Ayon sa teorya sa pag-diyeta, ang pagkain ng mas kaunting pagkain (20 percent na mas kaunti) ay maaaring mabawasan ang dami ng pamamaga sa mga daluyan ng dugo at maaaring bawasan ang dami ng mga lason sa katawan.

2. Subukan ang Mediterranean diet – Ang Mediterranean diet ay binubuo ng gulay, prutas, beans, mani at olive oil. Ang mga isda at manok ay kinakain din ng katamtaman.

Ipinakikita ng mga pag-aaral na ang mga taong kumonsumo ng Mediterranean diet ay makaiiwas sa sakit sa puso at Alzheimers Disease. Sa katunayan, itinuturing ito ng ilang mga eksperto bilang pinakamasustansyang diyeta.

3. Piliin ang masustansiyang fats – Mayroong dalawang uri ng fats: ang masustansya at hindi masustansyang taba. Ang mga hindi masustansiyang taba (saturated fats at trans-fatty acids) ay nagdudulot ng sakit sa puso. Ang saturated fats ay matatagpuan sa mantikilya, creams at taba ng baboy at baka. Ang trans fats ay matatagpuan sa margarines at cooking oil at mga pagkaing dumaan sa proseso kagaya ng biscuits.

Tingnan ang label at subukan bawasan ang pagkain nito. Sa kabilang dako, ang masustansyang fats ay matatagpuan sa mani, abokado at matatabang isda katulad ng salmon, sardines, mackerel at tilapia. Kung mamimili, piliin ang low-fat milk at low fat na mga palaman. Alisin ang mga nakikitang taba bago ito lutuin.

4. Panatilihin ang kalinisan sa ngipin – Ang pagkakaroon ng sakit sa gilagid ay nauugnay sa sakit sa puso at sa katu­nayan ay maaaring magpa-ikli ng buhay. Pinaniniwalaan na ang pama­maga sa gilagid ay nauugnay sa pamamaga rin ng mga arteries o ugat sa puso.

 

Ang impeksyon sa bibig ay maaaring humantong sa delikadong impeksyon sa valve ng puso. Magsepilyo ng ngipin tatlong beses kada araw. Gumamit ng panlinis ng dila para matanggal ang bakterya sa dila. At mag-floss din araw-araw.

* * *

Tips para sa mahabang buhay

Pangkaraniwang tips sa kalusugan ang pag-iwas sa paninigarilyo, pamumuhay nang maayos, regular na pag-ehersisyo, at pagkain nang tama.

Narito ang iba pang tips para maging mas malusog at humaba ang buhay.

1.Maging maingat – Ang maingat na tao ay mahaba ang buhay, ayon sa report ng Terman life-Cycle Study. Ang maingat ay isang kasanayan ng pagiging organisado at disiplinado sa iyong mga ginagawa.

Ang maingat na tao ay maaaring mas alam ang kanilang pangangailangang pangkalusugan. Pinipili niya ang mas masustansiyang pagkain. Ipinapakita rin sa isang pag-aaral na ang mga batang hindi maingat ay namamatay ng maaga. Ang isang leksyon ay turuan ang ating mga anak na alalahanin ang kanilang kalusugan.

2.Isipin na bata ka pa – Kapag inisip mo na ikaw ay matanda na, mararamdaman mo na ikaw nga ay matanda na. Ngunit kung iisipin na ika’y bata pa ay ang iyong katawan ay susunod. Panatilihin na ikaw ay bukas sa mga bagong hamon at oportunidad kahit na ano pa ang edad.

Maging maalam sa mga balita. Pag-aralan ang mga bagong technology sa halip na ito ay iwasan. Makisalamuha sa mga mas bata sa iyo para mahawahan ng kanilang lakas. Kumain ng sapat, huwag manigarilyo, at tumulong sa komunidad.

3.Panatilihin ang aktibong isip – Gamitin ang utak o kung hindi, ay manghihina ito. Samakatuwid, huwag agad na magretiro sa trabaho. Isaalang-alang ang pagbalik sa eskuwela kahit na may edad na. Patuloy na gawin ang gusto mong gawin.

Sa isang pag-aaral sa Rush University Medical Center sa Chicago, ang mga taong patuloy na aktibo sa pagbabasa, pag-aaral at paglutas ng mga puzzle ay halos 50 percent ang bawas sa sakit ng Alzheimers.

4. Manatiling payat – Bukod sa pagiging sobra sa timbang ay malinaw na isang kadahilanan ng panganib sa pagtaba ay ang sakit sa puso, diabetes at arthritis. Sa isang pag-aaral noong 2006 ng National Institute of Health ay nagpakita na ang pagtaas ng timbang ay konektado sa mas maikling buhay. Kaya maging masaya kung ikaw ay payat.

DIET

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with