Mountain bypass tunnel sa Davao
ANG Davao City mountain bypass tunnel ay matagal nang inaasam-asam nang marami na matapos sa lalong madaling panahon. Inaabangan na ito noon pa at maraming excited.
Kapag natapos, maiibsan ang travel time sa pagitan ng Davao City at Panabo City mula 1:45 minutes ay magiging 49 minutes.
Ang mountain tunnel ay may habang 2.3 kilometers habang ang kabuuang bypass road ay aabot ng 44.5 kilometers.
Ang nasabing project ay two-lane na maigi upang hindi na mag-agawan ng daan ang mga commuter galing Sirawan, Davao City at Barangay JP Laurel Avenue at vice-versa.
Inaasahang matapos na ang proyekto para na rin sa ikabubuti ng ekonomiya ng nasabng area at lahat ng mga dumadaan dito.
Ang mga gumagawa ng proyekto ay mga Pinoy at Japanese workers.
Sana nga matapos na ang Davao City mountain bypass tunnel para maging maalwan na ang pagbibiyahe ng commuters at nang umunlad ang ekonomiya ng probinsiya.
- Latest
















