^

PSN Opinyon

Pamilya ng EPD ‘dorobo’ cops, hina-harass!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

BALIKTAD na talaga ang mundo! Dati itong walong EPD “dorobo” cops ang inaakusahan na nang-harrass at kumu­limbat ng P85 milyon na cash, alahas at kagamitan sa bahay ni Jie Li, alias Jack sa Las Piñas City noong Abril 2.

Sa ngayon, ang mga miyembro naman ng SITG, na nag-iimbestiga sa kaso ng EPD “dorobo” cops, ang inaakusahan ng harassment ng kanilang abogado na si Atty. Reginaldo Bucu. Sanamagan!

Ayon kay Bucu, pinapasok ng SITG ang mga bahay ng walong tiwaling pulis, kahit walang armas na search warrant, na ikinabahala ng kani-kanilang pamilya. Hindi lang ‘yan, maging ang sasakyan ng isa sa kanila ay nais hatakin ng SITG dahil nakita ito sa CCTV na ginamit sa operation sa pagnakaw sa bahay ni Li.

Wala pang sagot ang SITG, na maaring hinahanap ang loot ng EPD “dorobo” cops, sa bintang ni Bucu. Anong sey n’yo mga kosa? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Samantala, wala pa namang reklamo ang pamilya ni Li na hina-harass din sila. Kasi nga mga kosa, kapag hinarass si Li at pamilya, baka ang kinahantungan ay iatras nila ang kaso kaya ang kalalabasan nito ay ma-dismiss ang criminal case o ang robbery at kidnapping na isinampa laban sa EPD “dorobo” cops. Mismooo!

Kaya lang, kahit ano pa ang mangyari, tiyak swak sa banga na itong mga tiwaling pulis sa administrative case na inihain laban sa kanila sa utos ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil. Sanamagan!

Nasaan na kaya si Maj. Emerson Coballes, ang hepe ng EPD DSOU, na pumirma ng coordination form ng kanyang mga tauhan? Habang nakakulong itong mga EPD “dorobo” cops, patawa-tawa lang si Coballes, lalo na kung sa kanya iniatang ang pagtatago ng P85 milyon loot ng bataan niya. Eh di wow! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Importante kasi ang pitong pahinang statement ni Li na ibi­nigay kay administering officer Maria Anna Irene Cabasa, ang assistant city prosecutor ng Las Piñas, dahil ikinuwento niya ang blow-by-blow na pagnanakaw ng EPD “dorobo” cops sa kanilang bahay.

Deny to death si Taboada kay ex-EPD director Brig. Gen. Villamor Tulliao na may kinuha silang loot sa bahay ni Li.  Subalit kinalaunan, naglabas ng P12 milyon ang EPD “dorobo” cops at sinabing bribe money ito ni Li sa kanila kahit na ang kasong nasa arrest warrant ay may P200,000 lang na piyansa.

Kahit may abogado na si Li, hindi naman siya ini-release kaagad ng EPD “dorobo” cops at imbes ay kinasuhan ito ng bribery sa korte. Pagkatapos ng mahigit 24 hours, inilipat si Li sa custody ng Las Piñas police, kung saan siya ini-release sa pamamagitanng kanyang abogado. Araguyyy!

Sinabi ni Col. Sandro Tafalla, ang hepe ng Las Piñas police, na nakipag-coordinate naman ang EPD “dorobo” boys sa opisina niya subalit halos isang oras na lang bago nila i-serve ang bogus na arrest warrant laban kay Li. Wala na silang panahon para maberipika ito. Dipugaaa! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Pumasok na ang Internal Affairs Service (IAS) sa kaso at dapat habulin nila kung sino ang kumita sa kaso ng EPD “dorobo’ cops.

Ang Marites na kumakalat sa Camp Crame ay may NCRPO official na “malaki ang parte’ sa loot. Totoo kaya ito? Abangan!

POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with