^

PSN Opinyon

Lubos na magpapahusay

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

INAPRUBAHAN na ng U.S. ang pagbebenta ng 20 F-16 fighter jet sa Pilipinas sa halagang $5.58 bilyon. Sinabi ng U.S. Defense Security Cooperation Agency (DSCA) na ang U.S. Department of State ay nagbigay ng green light para sa pagbebenta.

Kamakailan, bumisita sa bansa si U.S. Defense Se­cre­tary Pete Hegseth at pinagtibay ang matatag na relas­yon ng US at Pilipinas. Kasama sa package ang armas tulad ng missiles pati na rin ang mga kagamitang pangsuporta. Ayon kay Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez, baka sa 2026 o 2027 ang delivery ng mga eroplano.

Ang mga F-16 ay magiging isang malugod na karag­dagan sa programa ng modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP), partikular sa Philippine Air Force (PAF). Ang pagkakaroon ng F-16 sa PAF ay malaking tulong sa pagtatanggol ng bansa at magtatatag ng posisyon ng PAF bilang isa sa mas mabigat na puwersang panghimpa­pawid sa Timog-Silangang Asya.

Ang balita ng inaprubahang pagbebenta ay hindi nakaligtas sa atensiyon ng Beijing. Inakusahan ang U.S. na “nagpapagatong sa apoy” sa hindi pagkakaunawaan sa teritoryo sa South China Sea. Hindi ko maintindihan ang reaksiyon ng China sa anumang bansang gustong palakasin ang militar nito.

Wala bang karapatan ang mga bansa sa rehiyon na gawin ang gusto nila tungkol sa kanilang militar? Nagpa­pakita lamang ito ng matinding insecurity mula sa bansang may pinakamakapangyarihang militar sa Asya. Parang takot na takot ang China na ang isang mas maliit na bansa ay papalag sa kanilang militar.

Kailangan pang aprubahan ng U.S. Congress ang pag­benta ng U.S. ng mga F-16. Kung matuloy, ito ang panga­lawang fighter aircraft modernization ng PAF pagkatapos ng nakuhang 12 FA-50 aircraft mula sa South Korea sa ilalim ng administrasyong Noynoy Aquino.

Bago nakuha ang FA-50, hindi mga modernong eropla­nong pandigma ang pinalilipad ng PAF kumpara sa mga hukbong himpapawid ng Thailand, Malaysia, Indonesia, at Singapore. Hindi ko sinasabing hindi mahusay ang ating mga piloto. Maihahambing sila sa pinakamahusay sa mundo. Iyon ang dahilan kung bakit ang pagkuha ng mga F-16 ay lubos na magpapahusay sa mga kakayahan ng PAF.

Tiniyak ng administrasyon sa China na ang pagkuha ng F-16 ay hindi sinadya upang makapinsala sa mga interes ninoman. Bakit kailangan pang sabihin ng administrasyon ito? Tayo ay isang soberanyang bansa at may karapatang gawin ang anuman para sa ating interes.

Gaya nga ng sabi ko, para naman tayong magsisimula ng digmaan sa rehiyon. Wala sa interes ng bansa iyan. Sa totoo nga, matunog ang usapin na plano na nilang lusubin ang Taiwan kaya sila madalas nag-eensayo sa paligid ng Taiwan. Kung maganap iyan, baka U.S. ang kailangan nilang harapin din.

 

SECURITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->