Rider niratrat ng tandem, todas

CAVITE, Philippines — Patay ang isang motorcycle rider makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem habang bumabagtas sa kahabaan ng Tirona Highway sa Brgy. Habay 1, Bacoor City, kamakalawa ng gabi .
Tumilapon pa sa kaniyang minamanehong motorsiklo ang biktima na kinilala sa alyas “Dennis”, nasa hustong gulang nang pagbabarilin ng mga suspek. Hindi naman nakilala ang mga suspek na magkaangkas sa scooter type na motorsiklo at kapwa naka-helmet at jacket.
Sa ulat ng pulisya, alas-6:10 ng gabi ng maganap ang insidente. Minamaneho ng biktima ang kaniyang Suzuki Burgman na kulay puti at may plate number D376KQ at bumabagtas sa nasabing lugar ng sabayan ito ng mga suspek na makaangkas sa Scooter type na motor.
Nang makatiyempo, dito na pinagbabaril ang rider ng mga suspek bago tuluyang tumakas.
- Latest