^

PSN Opinyon

Dami nang nagawa si General Torre

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

MULA nang pangunahan ni CIDG Director Maj. Gen. Nicolas Torre III ang pag-aresto kay Tatay Digong noong Marso 11 at naibiyahe sa The Hague, Netherlands para sa mga kasong crime against humanity na isinampa sa ICC, nagkasunud-sunod pa ang mga accomplishment ni Torre. Marami na siyang napatunayan sa pagiging hepe ng CIDG sa maikling panahon. Patunay lamang na ginagampanan ni Torre at mga tauhan niya ang kanyang tungkulin para sa sambayanan.

Ngayong panahon ng kampanyahan para sa May 12 elections, tinututukan ni Torre ang mga pulitiko na may private armies upang maiwasan ang kaguluhan. Buong tapang na ginagalugad ni Torre at mga tauhan niya ang hideout ng mga armadong tauhan ng mga pulitiko at sinasamsam ang mga baril at bala.

Walang puknat din ang pagsalakay ni Torre sa bodega ng mga pekeng sigarilyo. Limang tao ang kanilang inaresto sa Valenzuela kung saan nasamsam ang 60 master cases ng pekeng sigarilyo na nagkakahalaga ng P600,000.

Naaresto rin nina Torre si Alias-Jalal na may patong sa ulo na P150,000 dahil sa pagpatay sa broadcaster na si Robert Ramos noong 2005 sa Bgy. Poblacion, Sapad, Lanao del Norte.

Sina Torre rin ang nakaaresto sa mga taong nagbebenta ng mga hayop na endangered species. Nasa 83 mga hayop ang nasagip ng CIDG Laguna kasama ang Department of Environment Natural Resources (DENR) at San Pablo Police sa Barangay San Gabriel. Naaresto ang mga suspek habang nagbebenta ng endangered species na turles, Bayawak tuko, Ahas, Serpent Eagle at Brahminy Kite na may kabuuhang halaga na P224,000. Walang maipakitang mga dokumento ang mga suspek kung kaya sinampahan sila ng kaso sa ilalim ng RA 9147 (Wildlife Act).

Marami na talagang naipakita si Torre at patuloy pang nagtatrabaho. Napag-alaman ko na sa buong Marso, 1,371 wanted ang naaresto ng CIDG kasama na riyan ang pitong most wanted person. Nasa 231 naman ang inaresto matapos lumabag sa pang-aabuso sa mga kababaihan at mga kabataan. Nasa 96 na iba’t ibang uri ng mga baril ang nasamsam. May mga naarestong dayuhan dahil sa paglabag sa cybercrimes, trafficking at illegal operation ng POGO.

Mabuhay ka, General Torrre!

POGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with