^

PSN Opinyon

Tulfo, kakampi ng manggagawang Pilipino

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

SA panahong pabigat nang pabigat ang pasaning dala ng karaniwang Pilipino lalo na ang mga tsuper, delivery riders, at maliliit na manggagawa, isa na namang hakbang ng malasakit ang isinagawa ni Sen. Raffy Tulfo, ang tinaguriang kakampi ng masa.

Kasunod ng anunsiyo ni Pres. Bongbong Marcos tungkol sa planong palawigin ang fuel subsidy bilang tugon sa epekto ng tensyon sa pagitan ng Israel at Iran, hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Tulfo. Agad siyang kumilos, kumalampag, at nag-ugnayan sa mga ahensya ng gobyerno gaya ng DOTr, LTFRB, DOE, at DILG upang tiyakin na ang tulong ay darating sa oras, sa tamang tao, at walang halong palakasan o katiwalian.

Hindi ito unang beses na ipinakita ni Tulfo ang tunay na diwa ng paglilingkod. Para sa kanya, ang ayuda ay hindi dapat inaantay, ito’y ipinaglalaban. Ipinunto niya na sa mga nakaraang taon, maraming tsuper ang naisantabi, nabalewala, o na-delay ang ayudang nararapat sa kanila. Ayaw na niyang maulit pa ito. “Ayokong marinig na may nadehadong jeepney driver. Hindi sila dapat naiiwan. Hindi sila dapat nalilimutan,” pahayag ni Tulfo.

Mula sa P2.5 bilyong pondo ng fuel subsidy, tiniyak niyang bawat sentimo ay dapat mapunta sa mga tunay na benepisyaryo. Aniya, kahit PUV man, delivery rider, grab driver, o tricycle driver lahat ay dapat mabigyan ng patas at mabilis na ayuda. At kung may kailangang ayusin sa sistema, siya mismo ang magbabantay. “Hindi ito para sa pulitika. Ito’y laban para sa karaniwang Pilipino,” dagdag pa ni Tulfo.

Mula sa Pantawid Pasada Cards, bank transfers, e-wallets, hanggang sa over-the-counter sa mga bangko, sinisigurado ni Tulfo na hindi magkakagulo sa pamamahagi, at higit sa lahat, walang palakasan o padrino. Dahil sa panahong gipit ang bayan, hindi kailangan ng pangako, kailangan ng kakampi. At sa mata nang marami, si Tulfo ang kakampi nilang hindi nang-iiwan, hindi natutulog, at hindi natatakot.

DILG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with