^

PSN Opinyon

‘Martial law’ sa Crame, inangalan ng media!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Ang unang kautusan ni President Bongbong Marcos sa bagong talagang Presidential Communication Office director Jay Ruiz ay ilapit ang gobyerno sa sambayanan. Muk­hang taliwas dito ang nangyayari sa Philippine National Police headquarters sa Camp Crame, Quezon City. Bakit?

Nagpatupad kasi ng bagong rules and regulations si Brig. Gen. Ramil Montilla, ang director ng Headquarters Support­ Service na ikinabigla ng mga miyembro ng PNP Press Corps. Si Montilla ay naupo sa puwesto nitong Enero 9, at ma­aring ang mga alituntunin na kanyang ipinatutupad ay diskarte lang niya. Sanamagan! Sa ngayon, sinabi ng mga kosa ko na mukhang “martial law” na sa PNP headquarters. Dipugaaa! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Ayon sa mga kosa kong taga-media, hindi pinansin ni Montilla ang decal na inisyu ng PNP sa kanila. Dati-rati, itong decal ay binabayaran nila ng tig-P280 subalit nitong pagpasok ng taong 2025, naging P550 na ito. Hindi naman pinansin ng taga-media ang bayad basta magkaroon sila ng decal para walang sagabal sa paglabas-masok nila sa Camp Crame.

Hindi lang ‘yan, may existing ID naman ang taga-media na inisyu ng PNP Public Information Office (PIO). Pero bina­lewala din ito ni Montilla at kinukumpiska pa ng mga tauhan niya sa gate. Ayos ba Mang Entong? Sanamagan!

Ayon kay Montilla, kung gusto raw ng taga-media na makapasok at makaikot sa kampo kailangan nilang mag-apply ng HSS- ID sa halagang P100. Tsk tsk tsk!

Ginawang negosyo ni Montilla ang media at mga sibilyan na regular na pumapasok sa kampo. Anong sey n’yo mga kosa? Hindi malaman ng mga kosa ko sa media kung bakit biglang naghigpit si Montilla sa kanila. May kasalanan ba sila? Ang sakit sa bangs nito!

Ang pinakamatindi sa kautusan ni Montilla ay ang pagbabawal sa mga TV reporter na ipakita bilang background ang PNP headquarters tuwing magre-report sila ng “live”. Stand-uuper ba ang tawag dun?

Kasi kapag naka-background ang PNP main building, ipinakikita lang ng TV reporter, hindi lang sa opisina nila, kundi sa mga manonood na nasa Camp Crame talaga sila. Gets n’yo mga kosa?

Ang tanong, bakit kailangang ipagbawal pa na makita ang PNP main HQ eh kalat na sa radio, TV at diyaryo ang file photo nito. Dipugaaaaa! Maari sigurong ipagbawal kunan ng litrato ang mga opisina sa loob ng HQ dahil intel­ligence matters ito at baka mapasakamay ng mga kalaban.

Ano naman ang intel matters ng hitsura ng main HQ eh ang spy nga ng China at mga teroristang CPP/NPA ay tiyak mayroon na nito. Ano sa tingin n’yo mga kosa? Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Sinabi naman ng mga kosa kong heneral na hindi naman ipa-implement ni Montilla ang baagong patakaran kung walang may nag-utos mula “sa itaas”. Si PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil kaya ang nag-utos?

Pero media darling si Marbil eh! Sa mahigit 10 buwan sa puwesto ni Marbil bilang PNP chief, walang matandaan ang Dipuga na may hidwaan o samaan ng loob sila ng PNP Press Corps. Eh sino ang nag-utos?

Sa liderato ni BBM, ang alam ko ay bawal itong pang-iinis ni Montilla sa media. Teka, teka! Asan ang demokrasya? Abangan!

JAY RUIZ

MANG ENTONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->