^

PSN Opinyon

Tips para hindi sumakit ang likod

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

1. Kung uupo kinakailangan na ito ay tatagal lamang ng 15 minuto. Pagkatapos nito, kinakailangan munang tumayo at maglakad-lakad.

2. Umupo na may suporta sa likod. Kailangang may na­kasuportang unan sa likuran.

3. Panatilihin ang balakang at tuhod na nasa tamang anggulo. Ang hita ay kailangang nakatuwid at ang paa ay nakalapat sa sahig. Kung hindi maaabot, gumamit ng foot rest o stool.

4. Umupo nang diretso o tuwid. Itindig ng diretso ang kur­bang bahagi ng likuran.

5. Umupo sa upuan na may sandalan. Ang pag-upo sa malambot na upuan o couch o upuan na walang sandalan ay maaaring makapagpakuba sa likod.

6. Sa opisina, i-adjust ang upuan palapit sa mga gawain. Ipahinga ang siko at braso sa upuan o mesa at panatilihing relax ang balikat.

7. Kung uupo sa upuan na may gulong huwag paikutin ang balakang habang nakaupo sa halip ibaling ang buong katawan.

8. Kung tatayo mula sa pagkakaupo, bahagyang iusod muna ang puwitan paharap sa malapit sa dulo ng upuan bago tumayo.

9. Sa pagtayo, ituwid ang mga binti at hita. Agad na iunat ang likod sa pamamagitan ng paggawa ng ilang segundong backbends.

LIKOD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with