^

PSN Opinyon

Mga paraan upang maalagaan ang prostate

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

Ang prostate ay organ na nakabalot sa labasan ng ihi ng lalaki. Karamihan ng lalaking edad 45 pataas ay nagkakaroon ng bahagyang paglaki ng prostate. Ito’y dala ng pag­babago sa hormones ng lalaki kapag umeedad.

Narito ang mga paraan upang lubos na maalagaan ang prostate:

1. Huwag pigilin ang ihi. Mahihirapan ang pantog at bato.

2. Uminom ng walong basong tubig araw-araw para manatiling malinaw ang ihi.

3. Ugaliing kumain ng kamatis, ketchup, tomato sauce at spaghetti sauce. Mataas ito sa lycopene. Kumain ng 10 kutsarang spaghetti sauce bawat linggo.

4. Uminom ng green tea (decaffeinated) sa halip na kape. Panlaban sa kanser ang green tea at nagtatanggal ng toxin sa katawan.

5. Kumain ng pagkaing mataas sa fiber tulad ng gulay at prutas.

6. Kumain ng isda kaysa karne.

7. Umiwas sa matataba at matatamis.

8. Umiwas sa soft drinks, iced tea at cakes.

9. Umiwas sa alak at kape. Nakakairita ito ng prostate.

Narito ang natural na lunas sa prostate:

1. Saw palmetto – Ayon sa Journal of the American Medical Association (JAMA), ang pag-inom ng saw pal­metto ay nakababawas sa sintomas ng lumalaking prostate. Ang saw palmetto ay napatunayang kasing-epektibo ng gamot na finasteride (brand name Proscar) na nirereseta ng doktor.

2. May tulong din ang mga natural remedies tulad ng pygeum, nettle root at pumpkin seed oil para sa prostate. Uminom din ng multivitamin na may zinc.

PROSTATE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with