^

PSN Opinyon

Industriya ng pagkakawayan itataguyod ng Ilocos Norte

GO NORTH - Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

PALALAKASIN ng Ilocos Norte ang industriya ng pagka­ka­wayan upang mapaunlad ang ekonomiya, mapangalagaan ang kalikasan at mapahusay ang agrikultura.

Nagtipon kamakailan ang stakeholders ng industriya, kabilang ang Micro, Small, and Medium Enterprise (MSME) Office at ng Ilocos Norte Provincial Agriculture Office (PAO), Department of Science and Technology (DOST), Philippine Textile Institute, Mariano Marcos State University (MMSU), CSFirst Green Agri-industrial Development, Inc., at ang opi­sina ng isang kongresista ng Bukidnon upang talakayin ang kalagayan ng industriya ng pagkakawayan.

Binalangkas din ang marketing strategies, production development, innovative bamboo technologies, at mga oportunidad upang mapalago ang paggagamitan ng kawayan.

Batid ni Ilocos Norte Gov. Matthew Marcos Manotoc na responsibilidad ng gobyerno na seryosong maghanap ng paraan at makapagbigay ng hanapbuhay sa kanyang mga kababayan.

Tularan sana si Manotoc ng iba pang mga lingkod-bayan. Wala siyang iniisip kundi ang paglilingkod sa mamamayan. Hindi siya tulad ng ilang lingkod-bayan sa Cagayan Valley region na hinangad ding mapaunlad ang industriya ng pagkakawayan sa kanilang bayan, ngunit kinalauna’y sariling bulsa ang namutiktik at tumaba.

Imbes na kumuha sila nang mahuhusay na planting ma­terials para sa bamboo production, bumili na lang ng mga mababang kalidad na planting materials.

Nasayang ang pondo at walang nakamit na katiting na pag-unlad sa pagkakawayan. Ang pondo para sa pagpapa­unlad ng kawayan ay sa sariling bulsa napunta!

Hindi sana mangyari sa Ilocos Norte ang nangyari sa ibang probinsiya sa Cagayan Valley na napabayaan ang  industriya ng pagkakawayan.

* * *

Para sa komento, i-send sa: [email protected]

TECHNOLOGY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with