^

PSN Opinyon

Panalo ng FilAms sa 2024 US election makasaysayan?

PINOY OVERSEAS - Ramon M. Bernardo - Pilipino Star Ngayon

Sa nagdaang halalan sa United States noong Nobyembre 5, 2024, maraming kumandidatong Filipino American leaders ang nanalo sa iba’t ibang posisyon. Makasaysayan ang kanilang pagkapanalo, ayon sa National Federation of Filipino American Association. Pare-parehong isinusulong ng mga lider na ito ang hangarin na lahat ng indibidwal at grupo ay nakakalahok sa mga political, social at economic system ng Amerika at nagtitiyak ng patas na trato, pantay na oportunidad at nakakalahok ang lahat, ano man ang lahi, relihiyon, kasarian o ibang katangian.

Matagal na rin naman sa nagdaang mga dekada na bukod sa mga U.S. citizen na may dugong Pilipino na nagtatrabaho sa ilang mga ahensiya ng gobyerno sa U.S., meron din sa kanila na nahahalal sa iba’t ibang posisyon dito. Hindi pa nga lang nagtatagal ang ilang Filipino American ang nahalal sa iba’t ibang lehislatura sa Amerika noong 2022. Me-rong mga nahahalal sa unang pagkakataon at merong mga dati nang nasa puwesto na muling inihahalal o nananalo sa mas mataas na posisyon.

Nagiging isang puwersang pulitikal na rin ang mga Filipino American sa US na ang populasyon ay mahigit na sa apat na milyon. Sinabi ng NaFFAA na mahigit 2.14 milyong FilAms sa buong Amerika ang bumoto sa katatapos na eleksyon sa naturang bansa.

“This election year highlights the importance of civic engagement, and we are proud of how Filipino Americans have participated,” sabi ni NaFFAA National President Mariela Fletcher.

Sabi naman ni NaFFAA National Chair Brendan Flores: “Calling this election consequential is an understatement. Many of us feel the weight of this moment…NaFFAA will continue to champion efforts to ensure that our voices are heard.” Para kay NaFFAA President-elect Ryan Namata, “Our (Filipino Americans) votes are powerful, our voices matter, and our unity is our strength. Together, let’s advocate for our rights, promote our heritage, and inspire future generations to lead with conviction and courage.”

Sa mga Filipino American na nanalo sa unang pagkakataon sa katatapos na eleksyon, kabilang sina Christopher Cabaldon, unang FilAm na nahalal sa California State Senate, District 3. Dati siyang alkalde ng West Sacramento; Jessica Caloza, unang Pilipino na nahalal sa California State Assembly bilang kinatawan ng District 52; Angelito Tenorio, unang Pinoy na nahalal bilang kinatawan ng District 14 sa State Assembly ng Wisconsin; Ysabel Jurado, unang Filipino-American na nahalal bilang kinatawan ng District 14 sa Los Angeles City Council; Ryyn Schumacher, una at tanging FiAm  at unang openly  gay person of color na nahalal sa San Buenaventura City Council, CA;  Tatiana Yokoyama Bui, nahalal sa ABC Unified School District Board of Trustees, Area 4.

Kabilang naman sa mga muling nahalal sa kanilang posisyon sina U.S. Congressman Bobby Scott (VA-3), tanging miyembro ng Kongreso na may lahing Pilipino at 32 taon nang nagseserbisyo rito; Genevieve Mina – Re-elected Alaska State Representative, District 19, at una at tanging Filipino American sa Alaska Legislature; Junelle Cavero Harnal, unang First Filipina American sa Arizona State Legislature at muling nahalal sa  District 11; Trish La Chica, unangt Filipino-born American sa House of Representatives ng Hawaii at muling nahalal bilang kinatawan nga  District 37;  Steven Raga – New York State Assemblymember para sa District 30, una at tanging Filipino American sa posisyong ito; Maria Cervania – North Carolina State Representative para sa District 41, una at tanging Filipino American sa state legislature at isa sa unang dalawang Asian American women na nahalal sa kapulungang ito; Justin Jones – Tennessee State Representative for District 52, una at tanging Filipino American sa Tennessee Legislature;  Todd Gloria, alkalde ng San Diego, CA, unang Filipino American, first person of color, at first openly LGBTQ+ individual sa tungkuling ito; Juslyn Manalo, muling nahalal sa Daly City Council, CA at dating mayor na unangt Filipina American sa ganitong posisyon; Corey Calaycay – Claremont Mayor Pro Tem, District 1, CA, 19 taon nang naninilbihan at unang Filipino American Mayor ng Claremont; Alexander Walker-Griffin, nahalal sa Hercules City Council, CA bilang pinakabatang miyembro ng konseho sa kasaysayan ng lungsod; Nikki Villavicencio, halal na miyembro ng Maplewood City Council Member, MN at unang may kapansanang Pilipinong konsehal dito; Emily Ann Ramos, unang Filipino American sa Mountain View City Council, CA; Mark Nagales, muling nahalal sa South San Francisco City Council, CA, at dating alkalde ng  South San Francisco.

Habang isinusulat ito, patuloy pang nililikom ng NaFFAA ang buong listahan ng mga opisyal na Filipino American na nahalal sa eleksyon sa Amerika ngayong taong ito. Email [email protected]

US

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with