^

PSN Opinyon

Paano nakukuha ang pulmonya?

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Nag-uumpisa ang pulmonya bilang trangkaso o ubo. Kung mahina ang katawan, puwedeng lumipat ang impeksyon sa baga at maging pulmonya.

Ang sintomas ng pulmonya ay lagnat, ubo, hirap sa pag­hinga at panghihina ng katawan. Ngunit hindi lahat ng tao ay magkakaroon ng ganitong sintomas.

May dalawang klase ng pulmonya. Ang isa ay nakukuha sa komunidad, ang community acquired pneumonia. Ang isa naman ay galing sa ospital, ang hospital acquired pneu­monia. Mas seryoso ang mikrobyo na galing sa ospital.

Ang komplikasyon ng pulmonya ay mas nakikita sa mga may edad, naninigarilyo at may dating sakit sa baga. Po­sibleng lumipat ang mikrobyo mula sa baga at kumalat ito sa dugo. Sepsis ang tawag dito. Puwede ring magkaroon ng nana (abscess) o tubig sa baga.

Ginagamot ang pulmonya sa pamamagitan ng:

1. Pag-inom ng antibiotics. Kapag hindi malala ang pulmonya, puwede pa ito makuha sa pag-inom ng anti­biotics, tulad ng Co-Amoxiclav 375 mg tablets. Ngunit kung may edad na ang pasyente o matindi ang impeksiyon na tumama, kailangang ipasok sa ospital ang pasyente para mabigyan ng antibiotic sa suwero.

2. Pag-inom ng gamot sa ubo at lagnat, tulad ng carbo­cisteine capsule at paracetamol tablets.

3. Magpahinga at huwag munang pumasok sa trabaho.

4. Uminom ng 8-10 basong tubig para lumabnaw ang plema at bumaba ang lagnat.

5. Magpatingin at sundin ang lahat ng payo ng doktor.

Makaiiwas sa pulmonya sa pamamagitan ng:

1. Pagpapabakuna laban sa pulmonya at trangkaso. Ang pneumonia vaccine ay binibigay bawat 5 taon, at ang flu vaccine ay binibigay kada taon. Ang mga taong edad 60 pataas ang kadalasang binibigyan nito.

2. Paghuhugas lagi ng kamay. Idura ang plema sa tissue o lababo at hugasan ito. Huwag gaanong makipag-usap sa ibang tao. Itigil na ang paninigarilyo.

PULMONYA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with