^

PSN Opinyon

Makati: Hakot awards champion!

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

Hakot awards na naman ang Makati City sa 2024 Urban­ Governance Exemplar Awards na ginanap ng Department of the Interior and Local Government-National Capital Region sa Novotel Manila Araneta City noong October 28, 2024.

Muli nating napatunayan ang kahusayan ng Makati sa pamamahala at ang dedikasyon ng ating pamahalaang lungsod sa pagbibigay ng better na serbisyo para sa bawat Makatizen!

Nakamit natin ang Top Performing LGU sa Local Go­vernment Unit Compliance Assessment ng Manila Bay Clean-up Rehabilitation and Preservation Program (MBCRPP) sa loob ng tatlong sunud-sunod na taon, kasama na ang mga natatanging parangal sa Liquid Waste Ma­nage­ment, Informal Settler Management, at marami pang iba. Ang mga pagkilalang ito ay bunga ng ating sama-sa­mang pagsisikap para sa isang mas ligtas, malinis, at ma­siglang komunidad.

Ngunit hindi lang dito nagtatapos ang ating mga layu­nin. Sa harap ng mga mapaminsalang epekto ng climate change, lalo na ang pinsalang dulot ng bagyong Kristine, nararapat na pag-ibayuhin natin ang mga hakbang para mapangalagaan ang ating mga pamayanan.

Marami sa mga nasawi ay naninirahan sa mga lugar na mataas ang panganib sa landslide at pagbaha. Kaya ma­ha­laga ang agarang pagsusuri at pag-update sa National Land Use Plan upang mailayo ang ating mga komunidad sa panganib.

Patuloy kong isusulong ang mas mahigpit na pagpapatupad ng batas upang mapanagot ang mga nagpapa­baya sa ating kapaligiran. Naniniwala ako na kailangan ng malalim at matagalang pagbabago upang maging resilient at sustainable ang mga lungsod at bayan, at maiwasan ang patuloy na banta ng kalamidad.

Sa kabila ng mga hamon, hindi tayo nag-iisa sa laban na ito. Nananawagan ako sa aking kapwa local leaders na yakapin ang transformative leadership at makipagtulungan­ sa national government, pribadong sektor, akademya, at mga international organizations upang makamit ang kina­kaila­ngang resources para sa mas epektibong climate action.

Sama-sama nating isulong ang mga sustainable at ligtas na komunidad para sa kasalukuyan at mga susunod na hene­­rasyon.

Sa ating #ProudMakatizens, maraming salamat sa inyong suporta at tiwala. Ang mga pagkilalang ito ay para sa inyo!

MAKATI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with