Mga kandidatong political dynasts alisin kaya ng Comelec (1)
Pinadidiskuwalipika sa Comelec ang mga kandidatong political dynasts: Rody Duterte para mayor ng Davao City; Matthew Marcos-Manotoc para governor ng Ilocos Norte; at Peter Cua para governor ng Catanduanes.
May kapangyarihan ang Comelec na magtanggal ng kandidatong dynasts, ayon sa petisyon ng Alyansa ng Nagkaka-Isang Mamamayan (ANIM).
Tungkulin daw kasi ng Comelec ipatupad ang Konstitusyon.
Malinaw na dynasts ang mga nabanggit, anang ANIM:
Balak ni Duterte pumalit sa anak na si Sebastian Duterte, na kumakandidato namang vice mayor; 33 taon nang naghahalinhinan sa dalawang puwesto ang mga Duterte.
Minana umano ni Marcos-Manotoc ang posisyon mula sa inang si Senadora Imee Marcos; 26 taon nang hawak ng Marcoses ang puwesto.
Nais ni Cua pumalit sa kapatid na si Gov. Joseph Cua; 15 taon na sila sa posisyon.
Tinanggap ng Comelec ang petisyon ng ANIM nu’ng Okt. 18. Susuriin ito ng Comelec legal division.
Isampa kaya ng division ang kaso sa Comelec en banc ng chairman at anim na commissioners?
Aksyunan kaya ng en banc ang kaso?
(Itutuloy bukas)
- Latest