^

PSN Opinyon

Ilang kaalaman ukol sa puso

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

1. Kapag mabilis ang tibok ng puso – Puwedeng maysakit sa puso kaya ipinapayo ko na magpatingin sa doktor. Puwede rin na dahil sa pag-inom ng kape o kaya’y slimming pills.

2. Kapag sumasakit ang dibdib – Magpasuri para masiguro na wala kang sakit sa puso. Nalulungkot ka ba at may sama ng loob. Nanggaling ka ba sa pag-iyak kaya naninikip ang dibdib. Magdasal para mabawasan ang stress sa buhay.

3. Tips para alagaan ang puso – Kumain ng sapat na gulay at prutas. Mag-ehersisyo ng regular. Iwasan ang pani­nigarilyo at pag-inom ng alak. Magbawas sa stress. At mag­mahal ng tapat. Ang pagiging “in-love” ay nagpapalakas sa ating puso.

4. Ang normal na pagtibok ng puso ay 60-90 bawat minute – Bumibilis ang tibok ng puso kapag kinakabahan, nagagalit o “in-love”. Kapag nakita mo ang iyong mahal sa buhay, puwedeng bumilis ang tibok ng puso. Subukang mag-deep breathing. Huminga nang malalim at mabagal para ma-relax at bumagal ang tibok ng puso.

5. Pagod na ba ang iyong puso – Ang heart failure ay isang sakit kung saan humihina ang tibok ng puso. May pagmamanas at pagod ang sintomas nito. Mag-relax, huwag magalit o maging emosyonal. Bawasan ang alat sa mga kinakain. Kumunsulta sa doktor para magamot ang heart failure.

6. Pumili ng makakasama sa buhay – Ang isa sa pina­kamahalagang desisyon mo ay ang pagpili ng makakasama sa buhay. Pumili ng taong tapat at mabait sa iyo. Gamitin ang iyong isipan at puso rin.

DOC WILLIE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with