^

PSN Opinyon

Sampahan ng kaso mga sangkot sa EJKs

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

PANAHON na para sampahan ng kaso ang personalidad na idinadawit sa extrajudicial killings (EJKs) na nabulgar sa House quad Committee. Kung masampahan ng kaso lalabas na ang buong katotohanan at makakamit na ang hustisya ng may 6,000 na napatay sa pagpapatupad ng war on drugs ng dating Duterte administration.

Sa kasalukuyan, lumalakas ang ugong na papapasukin na ng pamahalaan ang International Criminal Court (ICC) sa bansa upang makapag-imbestiga kaugnay sa EJKs. Nagpa­patuloy naman ang isinasagawang pag-iimbestiga ng quad committee.

Patuloy naman sa pagbagsak ang image ng Philippine National Police matapos ibulgar ni dating police colonel at PCSO chief Royina Garma na ang mga pulis ang may kaga­gawan ng krimen noong panahon ni Duterte. Ibinulgar ni Garma ang “Davao model” at reward system sa mga pulis na makakapatay ng drug suspect.

Nahalukay ng quad committee na mga pulis ang nasa likod ng pagpatay ng tatlong Chinese drug lords sa bilangguan at utos umano iyon ni Duterte. Malaki umano ang reward sa mga pulis na makakapatay ng drug suspect—nasa P20,000 hang­gang P1-milyon. Malaki pala talaga kaya maraming na­patay na drug suspect.

Kilos na Sec. Remulla sampahan na ng kaso itong mga ibinubulgar ng mga resource person sa House quad committee. Buksan na rin ang pinto at papasukin ang mga mi-yembro ng ICC para mag-imbestiga sa mga nangamatay sa war on drugs ni dating President Duterte.

COMMITTEE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->