^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Hustisya para kay Wesley Barayuga

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Hustisya para kay Wesley Barayuga

THREE hundred thousand pesos lamang ang halaga ng buhay ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) board secretary Wesley Barayuga na pinatay noong Hulyo 30, 2020 ng nag-iisang gunman sa Mandaluyong City dakong alas tres ng hapon. Nakunan ng CCTV ang pamamaril. Nakatigil sa kanto ng Calba­yog at Malinao Streets sa Bgy. Highway Hills, ang sasakyan ni Barayuga nang dikitan ng gunman. Sa kilos ng gunman, kabisado niya kung saan naka­upo si Barayuga. Sinigurado ng gunman na patay si Barayuga kaya ilang beses binaril. Nasugatan naman ang driver ni Barayuga. Bago naging PCSO official, dating­ one-star police general si Barayuga at nagtapos sa Philippine Military Academy.

Kinabukasan, lumabas sa mga report na “high value target” umano si Barayuga at nasa drug lists ng Duterte administration sa giyera nito sa illegal drugs. May ka­ugnayan ang pag-ambus dahil sa pagkakasangkot nito sa illegal drugs. Marami ang hindi makapaniwala sa balitang kumalat kay Barayuga lalo na ang mga mistah nito sa PMA. Kilala nila si Barayuga na mabuti at straight na tao. Nanatiling simple sa kabila na mataas ang posisyon sa PCSO. Wala itong sasakyan at nagko-commute papasok sa trabaho. Hindi matanggap ng pamilya ni Barayuga ang nangyari. Wala namang nagawa ang PNP at NBI ng mga panahong iyon.

Makalipas ang apat na taon, isang nakahihindik na rebelasyon ang lumutang sa totoong nangyari kay Ba­rayuga. Lumantad si Lt. Col Santie Mendoza ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) sa hearing ng House quad committee at isiniwalat ang pagpatay kay Barayuga at kung sino ang mga nasa likod nito. Lumantad umano siya sapagkat gusto niyang manaig na ang kato­tohanan. Napag-utusan umano siya para ipapapatay ang isang taong walang kasalanan.

Ayon kay Mendoza, inutusan umano siya ni dating­ Napolcom Commissioner Edilberto Leonardo na pata­yin si Barayuga sa utos ni dating PCSO General Ma­na­ger Royina Garma. Ayon kay Mendoza, ipinapapatay si Ba­rayuga dahil sangkot ito sa illegal drugs. Nang sabihin umano ni Mendoza na magsasagawa siya ng pro­filing kay Barayuga, sinabi ni Leonardo na hindi na kailangan. Sabi pa raw ni Leonardo, ang isasagawang pagpatay ang magdidikta sa direksyon ng kanyang karera bilang pulis. Binigyan siya ng P300,000. Kinontak niya ang asset na si Nelson Mariano at ito naman ang komontak sa gunman na kinilala sa alyas Loloy. Itinanggi naman nina Garma at Leonardo ang akusasyon ni Mendoza. Pinag-aaralan ng government prosecutor kung gagawing state witness si Mendoza.

Nararapat nang gumalaw ang Department of Justice para masampahan ng kaso sina Garma at Leo­nardo. Isilbi ang hustisya kay Barayuga na nasayang ang buhay dahil sa gawa-gawang paratang.

PCSO

WESLEY BARAYUGA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with