^

PSN Opinyon

Paglabo ng paningin

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

IBA’T IBA ang dahilan nang paglabo ng paningin. Maaaring­ simpleng paglabo lang at puwede rin namang sintomas ng nakababahalang sakit.

Bawat isa, posibleng magkaroon ng problema sa mata at lumabo ang paningin. Karaniwang dahilan ay nababago ang lens ng mata. Ang paggamot nito ay maaaring ang paggamit ng salamin sa mata.

Ngunit ang paglabo ng paningin, kasama ang sakit sa mata ay maaaring senyales ng glaucoma, isang seryosong kondisyon kung saan tumataas ang presyon sa loob ng mata.

Kung nakararanas ng isang madilim na paningin sa isang lugar kung saan hindi makita ang ilang mga bagay, dapat kang magpatingin sa doktor sa mata.

May iba pang seryosong sakit sa mata tulad ng retinal detachment, diabetic retinopathy, at maging ang stroke o tumor sa utak.

Ang mga sakit sa paningin ay maaaring sanhi ng mga problema sa utak. Ang linaw ng paningin ay kinokontrol hindi lamang ng mga structure ng eyeball (cornea, lens, retina at optic nerve) kundi pati na rin sa mga lugar ng utak kung saan matatagpuan ang mga sentro ng mata ng utak na nasa likod ng ulo.

Kaya mula sa mata hanggang sa utak, maaaring maging­ sanhi ng mga problema sa paningin. Iyan ang dahilan kung bakit pinakamabuting kumunsulta muna sa isang espesya­lista sa mata.

DOC WILLIE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->
ad