^

PSN Opinyon

Mga pagkain na panlaban sa kanser

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

NARITO ang top 4 anti-cancer foods:

1. Bawang at sibuyas – Sa pagsusuri, ang mga sibuyas ay malakas pumigil sa paglago ng cancer cells. Ang bawang ay may sangkap na ally sulfides, na tumutulong sa pagsugpo ng kanser sa colon, suso, baga at prostate. Para maging epek­tibo, ang bawang ay kailangang durugin at prituhin ng kaunti. Huwag sunugin! Puwede ring kainin ng hilaw ang bawang, pero mag-ingat lang at nakahahapdi ito ng sikmura.

2. Shitake mushrooms – Ang Shitake mushroom ay may polysaccharides at lentinian, na nagpapalakas sa ating immune system (katawan). Kapag malakas ang ating immune system, mas hindi tayo magkakasakit. Sa Japan, ang mga pasyeteng nagke-chemotherapy ay pinapakain ng Shitake mushrooms para bumilis ang kanilang paggaling.

3. Carrots – Ang madilaw na prutas at gulay ay may taglay na vitamin A at lycopene na tumutulong makaiwas sa kanser. Kasama ang mga carrots, kamote, kalabasa at kamatis. Sa anim na taong pagsusuri sa breast cancer, napag-alaman na ang mga pasyenteng kumakain ng gani­tong pagkain ay mas humaba ang buhay kumpara sa hindi kumakain nito.

4. Broccoli at cauliflower – Ang broccoli at cauliflower ay may sangkap na sulforaphane, na mabisang panlaban sa kanser. Sa pagluluto ng gulay, i-steam o lutuin lang ng bahagya na may kasamang olive oil. Huwag pakuluan ang gulay dahil mawawala ang bisa nito laban sa kanser.

Paraan ng pagluluto:

1. Gamitan ng konting mantika lang. Igisa ang bawang at sibuyas.

2. Ilagay na ang half cup ng Shitake mushrooms.

3. Pagkaraan ng dalawang minuto, ilagay ang one cup ng hiniwang carrots. Lagyan ng dalawang kutsarang oyster sauce at one-fourth na basong tubig.

4. Pagkaraan ng dalawang minuto, ilagay na ang two cups ng broccoli. Lagyan ng tubig kapag natutuyo na ang gulay. Maghintay ng limang minuto hanggang maluto na ang gulay.

5. Huwag i-overcook ang mga gulay para maiwan ang sustansiya. Huwag ding damihan ang sarsa para manatili ang bitamina sa gulay.

Payo: Ihanda nang madalas ang ulam na ito at mababawasan ang tsansang magkasakit ang mga kapamilya.

* * *

Bakit nagkaka-indigestion?

Lahat ay nakararanas na hindi natutunawan (indigestion) at maaaring natural lang.

Ngunit kung ito ay madalas na naramdaman baka naman ito ay isa nang malubhang karamdaman na kailangang isangguni sa doktor.

Bawat tao ay nakararanas na hindi matunawan dahil sa mga pagkain na nakakain, sobrang pagkain o masyadong mabilis kumain.

Minsan, ang pagkain ng mga halo-halong mga pagkain (maasim, maanghang, mataba o gatas) ay maaaring maging sanhi ng pagkulo ng tiyan.

Ang paninigarilyo at pag-inom ng alkohol ay maaaring mag-resulta din sa tummy aches. Karaniwan, kailangan lamang uminom ng antacid at pahinga.

Upang maiwasan ang hindi pagkatunaw ng pagkain, ipinapayo ko na kumain ng mas kaunting pagkain ngunit mas madalas naman.

Gayunpaman, may iba pang mga sanhi na maaaring mas seryoso. Kung ang sakit ay nagsisimula sa gitna ng tiyan, at pagkatapos ay tumatakbo sa kanang ibabang tiyan, posible ito ay appendicitis.

Kung ang sakit ay nangyayari sa kanang itaas ng tiyan at nangyayari pagkatapos kumain ng mamantika, baka ito ay bato sa apdo o gallbladder stone.

Ang parehong mga kondisyon ay kailangang makita ng isang surgeon para sa posibleng operasyon. Paminsan-minsan, ang pakiramdam ng hindi pagkatunaw ng pagkain ay maaaring isang palatandaan ng ulcer o kanser sa tiyan.

Ang mga sintomas na dapat bantayan ay kung may kasama na anemia at pagbaba ng timbang. Ang isang gastroenterologist ay maaaring magsagawa ng isang endoscopy upang masuri at malaman ang sakit.

vuukle comment

DOC WILLIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with