^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Isuplong ang mga corrupt

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Isuplong ang mga corrupt

Maraming nakakuha ng pekeng birth certificates at hindi lamang sa Davao del Sur civil registry nangyayari ang korapsiyon kundi sa marami pang lugar sa bansa. Ito ay nagpapatunay lamang na laganap ang katiwalian sa maraming tanggapan ng pamahalaan. Mistulang kanser na ang korapsiyon sa bansa na kumakalat.

Ang pagdami ng mga Chinese nationals sa bansa na may pekeng birth certificate ay nagpapatunay lamang na laganap ang katiwalian sa mga local civil registry at walang ginagawang aksiyon ang National Statistics Authority (NSA) na may hurisdiksiyon sa pag-iisyu ng mga sertipiko ng kapanganakan.

Ayon sa National Bureau of Investigation (NBI), 1,200 foreigners na pinaniniwalaang mga Chinese ang naka­kuha ng pekeng birth certificate sa Davao del Sur sa pama­magitan ng late registration. Naganap umano ang pag­kuha ng mga pekeng birth certificates noong 2016 sa panahon ng Duterte administration.

Nangyari naman ang pag-iisyu ng mga pekeng birth certificates habang nasa kainitan din ang pagdagsa ng mga Chinese para magtrabaho sa Philippine Offshore and Gaming Operators (POGOs). Maluwag na nakapasok sa bansa ang mga Chinese dahil nagbayad nang mala­king halaga sa mga corrupt na opisyal at empleyado sa Bureau of Immigration (BI). Tinaguriang “pastillas scam” ang gina­gawa ng mga corrupt na opisyal sa BI dahil nakabilot ang pera na parang pastillas.

Ang nangyayaring pagpeke sa birth certificates ay noon pa nangyayari kaya marami ang naniniwala na si sus­pended Bamban, Tarlac mayor Alice Guo ay isa sa mga nakinabang sa pekeng birth certificates. Lumalabas­ sa imbestigasyon ng Senado na nag-aplay ng late birth registration si Guo. Sabi ni Senate President Chiz Escu­dero na “tip of the iceberg” pa lang ang natuklasan ng NBI na maraming Chinese ang nakakuha ng pekeng birth certificate. Ibig niyang sabihin, kaunti pa lang ang natuklasan ng NBI at kailangang mag-imbestiga pa.

Ibinulgar naman ni Sen. Sherwin Gatchalian na sa hala­gang P300,000, maari nang makakuha ng birth certi­ficate, valid Philippine passport, driver’s license at iba pang mga dokumento. Isang package ang modus at may­roong nag­lalakad o nag-aayos para makakuha ng palsi­pikadong Philippine documents.

Sa mga nadiskubre ng NBI at sa pagsasaliksik ni Gat­chalian, talamak na ang korapsiyon sa local civil registry at dapat nang kumilos ang NSA. Dapat nang ipahinto ang late registration na nauso noong 2016 hanggang 2019.

Noong Hunyo 20, 2024, hinikayat ng Supreme Court ang taumbayan na ireport ang mga korap na justices, judges at iba pang judiciary employees. Kabilang sa mga masamang gawain ay ang extortion, paghingi ng regalo at iba pa na may kaugnayan para mapabilis ang pag-usad ng kaso. I-report sa [email protected].

vuukle comment

DAVAO DEL SUR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with