^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Sapat ba ang classrooms?

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL � Sapat ba ang classrooms?

SA Hulyo 29 ay simula na ng school year 2024-2025. Eksakto ang pagkakatalaga kay Sen. Sonny Angara sapagkat siya ang babalikat sa pag-uumpisa ng klase na dating hawak ni Vice President Sara Duterte. Nagbitiw si Sara noong Hunyo 19 na walang sinabing dahilan. Nakalulungkot naman na dumating si Sara sa DepEd noong 2022 na batbat ito ng problema at iniwan din niyang mas maraming problema. Walang masasabing nagawa si Sara sa kagawaran sa panahong hinawakan niya ito. Ang iniwang problema ni Sara ay babalikatin ngayon ni Angara.

Isa sa mga problema ng Department of Education (DepEd) ay ang kakulangan ng classrooms. Noon pa nararanasan ang problemang ito at hanggang ngayon ay problema pa rin. Tuwing pasukan, siksikan ang 60 estudyante sa isang classroom na dapat ay para sa 25 estudyante lang.

May mga estudyante na nagdaraos ng klase sa lobby at mayroon din sa mga comfort room na gina­wang classroom. May mga nagdaraos ng klase sa ilalim ng punongkahoy na nasa bakuran ng eskuwelahan. Problema kung umuulan.

Ayon sa DepEd, tinatayang 165,444, ang kakulangan­ ng classroom ngayong school year 2024-2025. Ang Ca­­la­barzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) at Metro Manila ang nangunguna sa may pinakamala­king kakulangan ng classroom. Ayon pa sa DepEd nanga­ngailangan ng P105 billion taun-taon para mapunan ang kakulangan sa classrooms.

Problema rin ang kakulangan sa mga mahuhusay na guro sa Math at Science. Ang kakulangan ng mga mahuhusay na guro sa mga nabanggit na subjects ang dahilan kaya nangungulelat ang mga estudyanteng Pinoy. Sa 2022 Programme for International Student Assessment (PISA), nakita ang kahinaan ng mga Pilipinong estudyante kumpara sa mga estudyante sa 81 bansa. Nakita rin ang mahinang performance ng mga Pilipinong estudyante na may edad 15 sa creative thinking na isinagawa rin ng PISA.

Isang dahilan kaya walang mahuhusay na guro ay dahil sa mababang sahod na natatanggap ng mga guro. Sa kabila ng mga panawagan na itaas ang sahod ng public school teachers, hindi ito inaaksiyunan.

Ang kakulangan din ng mga gamit sa eskuwelahan ay isa sa mga problema kaya nagiging mahina ang mga estudyante. Walang computer at mga gadgets na kaila­ngan sa pag-aaral. Walang sapat na pasilidad para sa mga estudyante.

Maraming problema ang DepEd at ito ang haharapin ni Angara. Dito makikita ang kanyang husay para ma­lutas ang mga problema. Kapag nalutas ni Angara ang mga problema, dito na magsisimula ang pagbabago sa kalidad ng edukasyon. Mamamayagpag na ang matatalinong estudyante.

vuukle comment

DEPARTMENT OF EDUCATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with