Compound ni Quiboloy, nagmistulang ‘war zone’!
NAGMISTULANG war zone ang Davao City kahapon dahil nag-serve uli ng search warrant ang 2,000 pulis na pinangungunahan ni PRO11 director Brig. Gen. Nicolas Torre sa compound ni Kingdom of Jesus Christ pastor Apollo Quiboloy.
May kaunting resistance ang kampo ni Quiboloy subalit nagtagumpay na nakapasok ang mga pulis at inisa-isang hinalughog ang aabot sa 20 buildings sa loob ng compound. Ang masama lang may isang supporter ni Quiboloy ang nadedo dahil inatake sa puso.
Hindi siya binaril, binugbog o sinaktan kundi bumigay ang kanyang puso, ayon sa kosa ko. Siyempre, expected naman ng pulisya na gagamitin ng kampo ni Quiboloy ang isyung ito para magsampa ng kaso. Bring it on, ‘yan naman ang sagot ni Torre. Hehehe! May bayag din si Torre, ‘no mga kosa? Mismooo!
Tiyak marami na namang pulitiko ang magsusulputan para sumakay sa isyu dahil malapit na ang midterm elections. Libre media exposure na naman. Baka magkaroon na naman ng Congressional o Senate hearing para magpapogi sila gamit ang buwis ng taumbayan. Ano pa nga ba? Wala namang bago d’yan?
Gamit na gamit na ang tinatawag na “in aid to legislation’ kaya lang may naging batas na bang kinalabasan itong mga hearing ng ating mga pulitko? Paninirang puri lang ang ginagawa eh. Tumpak! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Isinugal ni Torre ang future niya sa PNP dito sa panibagong pag-serve ng alias warrant vs Quiboloy. Kasi nga kapag pumalpak, tiyak sa kangkungan siya dadamputin. ‘Ika nga, si Torre ang magiging scapegoat kapag hindi naaresto si Quiboloy dahil gigisahin o sisisihin siya ng mga pulitiko. Araguyyy!
Kung sabagay, masabing sobrang maingat na si Torre dahil sa experience niya sa QCPD kung saan na-relieve siya dahil sa kasong panunutok ng isang retiradong pulis sa isang driver. Kaya ayaw ni Torre na sesemplang pa siya sa kaso naman ni Quiboloy. Get’s n’yo mga kosa? Hehehe Ambot sa kanding nga may bangs!
Nitong Hunyo unang nag-serve ang PNP ng search warrant at sa kasamaang palad ay nagkagulo rin at natagpas pa sa puwesto si Maj. Gen. Ronald Lee, hepe ng Directorate for Operations. Hanggang sa ngayon, nasa floating status pa si Lee. Kaya posibleng abutin din ni Torre ang sinapit ni Lee kapag hindi niya makuha si Quiboloy. Eh di wow!
Kaya sobrang ingat at panay dialogue ni Torre sa abogado at mga lider ng KOJC para maging mahinahon at walang masaktan sa kanilang operation. Sa bandang huli, binuksan din ng supporters ang gate at pumasok ang mga pulis para mag-search ng mga building.
“Sa ayaw at gusto n’yo papasok kami,” ang giit ni Torre sa abogado ni Quiboloy sabay sabing hindi ‘yaon ang panahon ng debate. Hinikayat pa ni Torre ang abogado na magsampa na lang ng kaso sa korte. Dipugaaa!
Hindi pa nagpositibo ang lakad ni Torre subalit puwede naman palang tumagal sila sa compound ng kung ilang araw. Bago kasi nila isinalang ang raid, panay tanggap ng PRO11 ng intel reports na sighted si Quiboloy sa loob ng compound. Malaki ang naitulong sa pagkalap ng intel reports ang P10 milyon rewards na ipinatong sa paghuli kay Quiboloy. Ang sakit sa bangs nito. Abangan!
- Latest