^

PSN Opinyon

Saan na ang long arms of the law?

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

MAHABA raw ang kamay ng batas at walang kriminal ang makaliligtas dito. Gaano kahaba? Sa pagkaunawa ng mga mamamayan dito, hindi madaling pagtaguan ang batas.

Bakit hanggang ngayon, may mga tinutugis na hinihinalang kriminal ang hindi mahagilap kahit may warrant­ of arrest na: Ang religious leader na si Apollo Quiboloy; sus­pendidong Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at; ang matagal nang wanted sa umano’y pagpatay sa gobernador ng Negros Oriental na si Arnulfo Teves na hanggang ngayo’y nasa Timor Leste at wala pang linaw sa hinihiling ng Pilipinas na extradition. Si Teves na tinanggal sa pagiging Represen­tante ng Negros Oriental ay inaakusahang pumatay kay Governor Degamo at nasa house arrest ngayon sa Timor Leste.

Si Quiboloy ay marami nang kinakaharap na kaso sa child abuse at human trafficking at may warrant of arrest­ na mula sa Korte. Si Guo ay wala pang pormal na isinasam­pang kaso tungkol sa kanyang  pagiging sangkot sa ilegal na POGO at sa kanyang pagiging pekeng Pilipino. Ang warrant of arrest niya ay mula lamang sa Senado na nagsisiyasat sa mga alegasyong ito.

Maaaring hindi madaling gawin ang paghuli sa mga personalidad na ito. Bukod sa kanilang salapi ay maimplu­wensya sila sa ilang high government officials. Si Quiboloy halimbawa ay protektado mismo ni dating Presidente Du­terte na parang pinaglalaruan pa ang hustisya sa pag­sa­sabing alam niya ang kinaroroonan ng pastor pero di niya sasabihin.

Bilang dating piskal, dapat malaman ni Duterte na ang ganyang pag-amin ay maituturing na obstruction of justice. Matindi ang self confidence ni Duterte na siya ring nagpa­hintulot kaya lumaganap ang POGO sa bansa.

Kawawa ang administrasyon sa kabagalan ng pagtugis sa mga taong nabanggit natin. Lumalabas na napa­kapalso ng justice system natin. Bakit kapag mga maliliit na kriminal madaling masakote pero kapag ang may sala ay kilalang per­sonalidad, hirap na hirap ang mga awtoridad?

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with