^

PSN Opinyon

Isuplong ang drug pushers

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

IPINAPASOK ang illegal drugs sa bansa sa pamamagitan ng paghahagis sa dagat gamit ang mga pribadong yate. Noong nakaraang linggo, 108 pakete ng shabu ang nakuha ng mga mangigisda sa karagatang sakop ng Ilocos Sur. Isinuko ng mga mangingisda ang 94 na pakete ng shabu sa tanggapan ni PRO1 director B/Gen. Lou Evangelista. Ayon kay Evangelista muling nakasagip ng panibagong 14 na pakete ng shabu ang mga mangingisda.

May pabuyang nakalaan ang PRO-1 director, Philippine Drugs Enforcement Agency at Ilocos Sur governor sa mga magsusuko ng mga nasagip na shabu.

Malaking tulong ang pabuya sa mga mangingisdang makakapagsuko ng shabu. Mas malaki ang kikitain nila kaysa sa pangingisda na kakaunti lang ang huli.

Malaki ang hinala ko na kaya sa dagat inihahagis ng drug syndicates ang mga pakete ng shabu ay dahil ina­akala nila hindi kayang bantayan ng PNP ang dalampasigan. Nagkamali sila dahil hinigpitan ng PNP at Philippine Coast Guard (PSG) ang pagpapatrulya sa mga dalampasigan.

Hindi pa batid ng mga awtoridad ang drug syndicates na nasa likod ng pagpapaanod ng shabu sa Ilocos Sur. Magkakaiba ang markings ng mga shabu na isinuko ng mga mangingisda. Mayroong galing sa Burma, Thailand at Mexico.

Malaking bagay na ang mga pakete ng shabu ay nasagip ng mga mangingisda at hindi na napasakamay ng drug pushers. Dahil kung naikalat ang mga ito sa maraming lugar ng bansa libong Pilipino ang masisira ang kinabukasan.

Kaya ang apela ko sa mga kababayan, ipagbigay alam sa PDEA ang mga kahina-hinalang transaksiyon o pagtutulak ng droga sa inyong barangay. Bawat shabu na iti­nutulak ay libong mamamayan ang mawawasak. Tumulong sana ang lahat sa pagsugpo sa masamang bisyong ito. Iligtas ang kapwa Pinoy sa pagkagumon sa shabu. Isuplong ang drug pushers.

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with