^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Nakaamba na ng La Niña

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Nakaamba na ng La Niña

Itinaas na ng Philippine Atmospheric Geophy­sical­ and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang La Niña alert dahil lumalamig na ang temperatura sa Pacific Ocean. Ayon sa PAGASA, 70 percent na ang pagtama ng La Niña at mararanasan ito sa susunod na buwan na tatagal hanggang Oktubre. May posibilidad na maranasan pa ang La Niña hanggang 2025. Malalakas na ulan ang mararanasan na magdudulot ng pagbaha at pagguho ng lupa.

Pinayuhan ng PAGASA ang mamamayan at ang Disaster Risk and Reduction Management Office sa mga probinsiya na maghanda sa epekto ng La Niña sa kanilang lugar.

Huling naranasan sa bansa ang La Niña noong Nob­yembre 2021 na nagdulot nang matagalang pag-ulan, pagbaha at pagguho ng lupa sa maraming lugar. Na­itala naman mapaminsalang La Niña noong 1999 kung saan walang patid ang buhos ng ulan na nagdulot ng pagbaha at landslide.

Ang La Niña ay weather phenomenon na mahaba ng panahon ng tag-ulan. Lumalamig ang tempera­tura ng silangang bahagi ng Pacific Ocean na nagi­ging dahilan para mabuo ang mga bagyo na may kasamang malalakas na pag-ulan at kasunod ang mapaminsalang baha.

Ang Metro Manila ay hindi ligtas sa baha. Katunayan­, kaunting ulan, ay umaapaw na agad ang maraming­ lugar sa Maynila, Makati, Pasay, Quezon City at Calo­o­can. Umaapaw ang baha sa Taft at Rizal Avenues at España Blvd. sa Maynila. Hindi madaanan ang Araneta Avenue sa Quezon City dahil sa pag-apaw ng creek. Problema rin ang baha sa Marikina City.

Sabagay, kahit walang La Niña, problema na talaga ang baha sa Metro Manila dahil sa mga baradong drainage at mga estero na tinatambakan ng basura. Dahil barado ang drainages, walang madaluyan ang tubig kaya nagkakabaha. Matagal na ang problema sa baha sa Metro Manila at hindi masolusyunan.

Parami naman nang parami ang mga nakatira sa pampang ng estero na isa rin sa mga tinuturong dahilan ng pagbaha. Ang mga basura ng informal settlers ang nagpapabara sa mga estero at nagdudulot ng pagbaha. Tapon lamang sila nang tapon ng mga basurang plastic. Hindi matapus-tapos ang problema ng gobyerno dahil sa informal settlers. Inaalis sila at dinadala sa maayos na lugar pero bumabalik at nag-i-squat muli.

Nakaamba na ang La Niña. Ang paghahanda ng mga ahensiya ng gobyerno ngayon pa lang ay dapat nang makita. Kadalasan, kumikilos lamang ang mga tanggapan ng pamahalaan kapag mayroon nang ca­sualties o marami na ang nagugutom dahil sa panana­lasa ng bagyo at nasalanta ng baha. Maging alerto sa pagtama ng La Niña.

vuukle comment

PAG-ASA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with