^

PSN Opinyon

Pergalan talamak sa mga pistang bayan

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

PANAHON ngayon ng kapistahan sa maraming bayan sa bansa kaya nagkalat na naman ang mga peryahan at sugalan (pergalan) na ang mga parukyano ay mga kaba­taan. Nauubos ang mga baon ng mga bata sa pagtaya sa mga pergalan. Maraming bata ang nahuhumaling sa pergalan at ito ay lingid sa kanilang mga magulang. Walang kamalay-malay ang mga magulang na ang binibigay nilang baon ay nauubos lang sa pagtaya sa mga pergalan.

Kaya tama lang ang aksiyon ng Department of Education (DepEd) na suspendihin ang klase sa pampublikong esku­welahan. Sa totoo lang, ang pagsuspende sa klase sa public school ay upang maiiwas ang mga kabataan sa mainit na panahon. Kaya nakabuti dahil nakaiwas sa super init at pergalan ang mga estudyante.

Dapat kumilos si Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte para atasan ang PNP na hulihin ang mga finan­ciers ng peryahan na nag-o-operate sa pergalan. Kung walang kum­pas mula kay Sara, bulag at bingi ang mga mga pulis.

Dito sa Capiz, malaki ang hinala ko na may permiso mula sa LGUs ang mga operator ng peryahan kaya malayang nakapaglalatag ng pergalan. Kaya naman nabibigyan ng per­miso ang mga operator ng peryahan ay sa dahi­lang ang na­kasaad sa kanilang permit ay walang pasugal na magaganap. Kapag nailatag na, dito na lulutang ang pasugal na pula o puti o color games. Madaling maingganyo ang mga kabataan sa color games.

Ipinagtataka ko lang, bakit hindi sinisita o hinuhuli ng mga pulis ang pergalan lalo na sa Western Visayas. Alam naman ng mga pulis na bawal ang pasugal sa peryahan sa­pagkat­ mga kabataan ang kadalasang dumarayo kapag may pista. Magkano kaya ang lagay?

vuukle comment

GAMBLING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with