^

PSN Opinyon

Kauna-unahang digital PET/CT scanner, parating na sa Makati!

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

Dito sa ating bansa, napakaraming kaso ng cancer at mga problema sa puso kada taon. Ayon sa mga eksperto, #3 leading cause of death na sa Pilipinas ang sakit na cancer. Sinabi rin ng Philippine Institute for Development Studies o PIDS na mayroong 25,000 bagong kaso ng cancer sa bansa taun-taon at karamihan dito ay breast cancer. Sa mga nasabing pagsasaliksik ay parating binibigyang diin na puwede sanang maiwasan ang pagkamatay ng mga pasyente kung na-detect nang maaga ang cancer. Early detection at prevention ika nga, kaysa naman gagamutin lamang ang sakit kapag nasa malalang stages na ito.

Noong nakaraang linggo, may isang malaking develop­ment sa healthcare delivery services system ng Makati. Magkakaroon na ng state-of-the-art Digital AI PET/CT scanner sa Makati Life Medical Center sa ikatlong quarter­ ng taon. Ang good news, magagamit ito nang libre ng Yellow Card holders at kanilang dependents na wala pang 21 taong gulang. Ito ang kauna-unahang imaging system ng ganitong kalibre sa bansa.

Ang PET/CT uMI 550  ay makakapagbigay ng mas malinaw na image para maagap na malaman at magamot ang maraming uri ng cancer, mga sakit sa puso at neuro­logical conditions. Sa pamamagitan ng artificial intelligence ay makatutulong ito sa mga doktor sa pagdedesisyon at pag­sasagawa ng mas angkop at epektibong paggagamot.

Ang pagkakaroon ng digital PET/CT scanner ay bahagi ng pagsusumikap ng lungsod na gawing abot-kamay ng Ma­katizens ang pinakamahusay na healthcare technologies­. Hindi dapat maging hadlang ang estado sa buhay sa kaka­yahang makapagpagamot at magkaroon ng access sa ad­vanced medical treatments. Mauumpisahan na ang pag­­gamit ng nasabing scanner sa Makati Life Medical Center sa third quarter ng taon.

Sa kasalukuyan, bukas 24/7 ang outpatient department­ ng Makati Life Medical Center upang magbigay ng access sa mga residente ng Makati at pribadong pasyente sa healthcare, consultations, diagnostic, at pharmacy services. Magi­ging fully operational ang 360-bed hospital sa pagtatapos ng taong ito. Mayroon itong iba’t ibang specialized centers na may mga  pinakabagong kagamitan sa medical techno­logy at modernong pasilidad. Nakatutok ang mga ito sa pre­vention, treatment, at rehabilitation sa iba’t ibang specialties­.

Malapit nang matamasa ng Yellow Card holders ang lahat­ ng mga serbisyo at procedures na ito nang libre. Konting-konti na lang at mababago na natin ang sistema ng healthcare services delivery sa bansa. At dahil nga prevention ng sakit ang gusto nating i-promote, hinihikayat ko ang mga Yellow Card holders natin na may edad 40 pataas na magpagawa ng kanilang annual physical examination sa Makati Life. Higit pa ito sa basic check-up at labs dahil kasama rin ang screening para sa metabolic, lipid, liver, kidney profiles, at iba pa, na nakakapagbigay ng kumpletong health assessment para sa mga indibidwal.

Para magpa-schedule ng appointment o may katanungan, puwedeng tumawag sa Makati Life sa  (02) 8888-2020 o mag-message sa 0917-658-5433 or 0947-990-7362.

PET

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with