^

PSN Opinyon

Pribadong interes ng DENR sec pinasisiyasat ni Idol Raffy

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Pinasisiyasat ni Senator Raffy Tulfo ang “conflict of interest­” ni Sec. Antonia Yulo-Loyzaga. Inaangkin kasi ng pamilya­ Yulo niya ang 40,000 ektaryang gubat sa Busuanga at Coron, Palawan. Pero kontrapelo ‘yon sa tungkulin niya na ipag­tanggol ang protected areas bilang hepe ng Dept. of Envi­ronment and Natural Resources.

Prinoklama ni President Marcos Sr. ang 40,000 ektaryang­ Busuanga Pasture Reserve nu’ng 1975. Binawal ng Proclamation 1387 magsaka, tumira, magnegosyo, magtroso o sarilinin ang pampublikong lupain. Sampung laki ng area ng Manila ang 40,000 ektarya.

Nu’ng 1992 isinailalim ang reserve sa National Integra­ted­ Protected Areas System Act. Inulit ‘yon sa Expanded NIPAS Act ng 2018. DENR ang pangunahing ahensyang taga­pag­patupad ng dalawang batas.

Napasakamay ng pamilya Yulo ang 40,000 ektarya nu’ng 1976. Ginawa itong pastulan at katayan ng Yulo King Ranch. Bahagi ay pabrikang nagpo-proseso ng karne. Simula 1986 sinikap ng gobyerno i-sequester at pagbayarin ang YKR.

Masalimuot ang kaso. Sinubukang ipamahagi ng Dept. of Agrarian Reform ang ilang ektarya sa mga magbubukid. Nagdemanda ang ilang kumpanyang may titulo umano sa mga bahagi ng reserve. Tinalaga ng isang korte si Yulo-Loyzaga bilang executor/administrator ng Yulo estate, ka­sama ang YKR, na minana nila mula sa magulang.

Ani Yulo-Loyzaga, gobyerno ang may-ari ng 40,000 ek­tarya. Wala raw silang pakialam sa pamamahagi ng DAR sa pastulan. ‘Eh kung ganon bakit may kaso ang YKR sa operasyon sa loob ng protected area?

Dapat pumili si Yulo-Loyzaga. Ipagtatanggol ba ang pro­tected areas bilang DENR Secretary? O isusulong niya ang interes ng angkan?

Magbitiw na lang siya sa DENR. Sa gayon makaka­kilos siya bilang Yulo estate executor. Iba na lang ang mag­ta­tanggol sa kalikasan.

vuukle comment

RAFFY TULFO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with