^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Hindi lahat ay ‘bugok’

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL � Hindi lahat ay �bugok�

NOONG Enero ng kasalukuyang taon, si President Ferdinand Marcos Jr. mismo ang naghayag na 177 opisyal at miyembro ng Philippine National Police (PNP) ang sinampahan ng kaso dahil sa illegal drugs. Ayon kay Marcos, pawang mga pulis sa National Capi­tal Region (NCR) ang mga kinasuhan. Ang mga kaso nila ay kinabibilangan nang pagtatanim ng ebidensiya, illegal na pag-aresto at marahas na aksyon sa anti-illegal drugs campaign. Sa kabuuan, sinabi ng Presi­dente na 151,818 ang mga kasong may kinalaman sa droga na kinasasangkutan ng mga pulis at nililitis na umano sa mga korte.

Noong Okt. 7, 2022, isang toneladang shabu na nag­kakahalaga ng P6.7 bilyon ang nakumpiska sa isang pulis na miyembro ng PNP-Drug Enforcement Group (PDEG) sa Tondo, Maynila. Nakilala ang pulis na si MSgt. Rodolfo Mayo.

Noong Agosto 2023, siyam na pulis ang puwersahang pumasok sa bahay ng babaing senior citizen sa Imus, Cavite at pinagnakawan ito. Inakusahan ng mga pulis na sangkot sa illegal drugs ang senior citizen. Winasak ng mga pulis na naka-civilian clothes ang pinto ng bahay at hinalughog. Wala silang search warrant. Bago umalis, tinangay ng mga pulis ang gulong ng motorsiklo, helmet, bag, relo, cell phone at iba pang gadgets.

May mga pulis din na walang habas kung mamaril sa sibilyan dahil lamang sa simpleng away. Ilang taon na ang nakararaan, isang lasing na pulis mula sa Quezon City ang malapitang binaril ang kapitbahay na babae. Kaaway ng pulis ang kapatid na lalaki ng kapitbahay. Nang hindi nakita ng pulis ang kaaway, ang kapitbahay na babae ang pinagbalingan at pinagbabaril.

Maraming masamang balita sa mga pulis na tila wala nang katapusan. Wala na yatang magandang balita mula sa mga miyembro ng PNP. Lahat ay “bugok” at wala nang mabuting itlog?

Pero nang lumabas ang balita kahapon tungkol sa mga miyembro ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na tinanggihan ang P3 milyon na suhol ng isang Chinese national, maraming napapalakpak dahil may mga mabubuti pa palang pulis.

Inaresto ng mga pulis ang isang Chinese national at nahulihan ng matataas na kalibre ng baril, mga bala, at luxury vehicles na nagkakahalaga ng P30 milyon sa Taguig City noong Linggo. Nakilala ang suspect na si Haiqiang Su, 24. Habang iniimbestigahan ang suspek, isang Jerry Mari Cheng ang dumating at may dalang dalawang paper bags na may lamang P3 milyon at tinangkang isuhol sa mga pulis. Tinanggihan ng mga pulis ang P3 milyong suhol at inaresto rin ang nagtangkang manuhol.

Hindi naman pala lahat ng pulis ay “bugok”. Sana all.

vuukle comment

DRUGS

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with