^

PSN Opinyon

TikTok bawal sa AFP, DND

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

BAWAL gamitin ng mga sundalo ang TikTok. Dahil ito sa agam-agam na ginagamit ng China ang app para mangalap ng datos at mag-espiya.

Matagal nang inutos ng Armed Forces of the Philippines na huwag gamitin ng mga sundalo ang TikTok sa personal o opisyal na devices. Galing sa Dept. of National Defense ang patakaran. Ayon ito kay AFP spokesperson Col. Francel Margareth Padilla.

Para ito sa cybersecurity, ani Padilla: “Maaring gamitin ang TikTok pangmanman, ayon sa saliksik sa America. Namo-monitor ng app ang mga ginagawa mo. ‘Pag nag-download ka ng app, binibigyan mo ito ng permiso gamitin ang iba mong device features, tulad ng camera at micro­phone.”

Kwenta, nako-kontrol ng app ang mobile phone, paliwa­nag ni Padilla. Maari kang mapakinggan at mamanmanan kapag nag-on ka ng mobile phone at iba pang gadget.

“Isipin niyo nalang, gawa sa China ang TikTok pero hindi ito ginagamit sa China,” Ani Padilla.

Nakakapangalap din ng personal information ang apps na Facebook, Instagram, X (Twitter) at Youtube na gawa ng American tech titans. Dahil ito sa pag-OK sa “terms of usage”.

Pero may malaking kaibahan ang TikTok. Si Chinese national Zhang Yiming ang may-ari ng TikTok. Pangunahing­ produkto ito ng ByteDance, na itinatag niya sa Beijing nu’ng 2012.

Kontrolado ng Chinese Communist Party sila Zhang at ByteDance. Sa 2017 National Intelligence Law ng CCP, obligado lahat ng mamamayan at kumpanya sa China lumahok sa pang-eespiya sa loob at labas ng bansa. Obligado rin sila ilihim ito.

Utos din ni CCP Chairman at China President Xi Jinping na magkaron lahat ng kumpanya ng CCP political cells. Mga may-ari at top execs ng mga kumpanya ang bumu­buo ng CCP cells. Bahagi sila ng CCP.

vuukle comment

TIKTOK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with