^

PSN Opinyon

Ilayo ang mga kabataan sa bisyo

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

Ang paghubog sa mga kabataan sa sports sa ngayon ay napakahalaga, dahil kung ang mga kabataan ay nagiging abala sa kanilang kinagigiliwang laro partikular na ang bas­ketball, mailalayo natin sila sa bisyo.

Subalit magiging matagumpay lamang ito kung mayro­ong mga taong nagbubuhos ng kanilang talento sa mga inte­resadong kabataan na matuto sa basketball, kaysa mapa­bilang sa mga nalululong sa bisyo.

Diyan nahahanay si Christian Joseph Zapanta, head coach ng Eggspress Ballers ng Our Lady of Remedios Mon­tessori School sa Rosario, Cavite. Bukod sa pagiging coach, siya ay isa ring nurse.

Hindi matatawaran ang karanasan niya sa pagko-coaching­. Hindi na mabilang ang mga naging karangalang natanggap niya bilang coach. Sabi niya, “Building castles in the air is fine as long as your foundation is on the ground”.

Lagi siyang nakatutok sa pagko-coach sa mga players­. Ipinaiiral niya ang pagkakaroon ng disiplina sa bawat isa sa loob at labas man ng basketball court.

Ang kanyang kahusayan ang naging daan para kunin siyang coach ng Eggspress Ballers at naging malaking tulong siya sa mga kabataan para maging mahilig sa basketball. Kung may pinagkakabalahan ang mga kabataan makaka­siguro na mailalayo sila sa masamang bisyo.

BISYO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with