^

PSN Opinyon

Lita Abelle: Pinay na humakot ng parangal at pagkilala sa Amerika

PINOY OVERSEAS - Ramon Bernardo - Pilipino Star Ngayon

Isang dating yaya sa Amerika ang mahigit 70 anyos na  pilantropo at negosyanteng Filipino American na si Isabelita “Lita” Marcelo Abele na kasalukuyang Chief Executive Officer (CEO) ng malaking kumpanyang U.S. Lumber Inc. doon.

Inilarawan siya ng Miller Wood Trade Publications bilang kakaibang babaeng CEO sa lumber business na ang transpormasyon mula sa disadbentaheng posisyon hanggang sa pinakamataas na posisyon sa kumpanya sa Woodbury Heights, Gloucester County, New Jersey, United States ay sumasalamin sa determinasyon, pagkakatagpo ng mga matulunging tao at ng sarili niyang kasipagan. Naranasan niya ang maapi at mapagtawanan pero hindi ito nakasagabal sa pag-asenso niya sa buhay. 

Bilang president at CEO, ayon sa isang lumang ulat ng Philadelphia Inquirer, pinangungunahan ni Abele ang isang kumpanya na nagsusuplay ng mga tabla sa mga subcontractor, merong 12 empleyado at merong sales na $7.8 milyon noong 2016. Habang isinusulat ito, katuwang niya ang kanyang anak sa pamamahala sa negosyo.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, kinikilala ang kahusayan ni Abele sa pagpapatakbo ng negosyo. Kabilang sa mga parangal na natanggap niya ang  mapabilang sa 100 Most Influential Filipina Women in the United States in the catego-ry of Building and Emerging Leaders, noong 2009; 100 Most Influential Filipina Wom-en Globally noong 2017; SJ Magazine’s 2017 Women of Excellence Inspiration Award; National Association of Women Business Owners South Jersey (NAWBO SJ) Woman Business Owner of the Year, sa parehong taon; at marami pa.

Noon lamang Marso 6, 2024, ipinangalan sa kanya ang bagong tatag na Lita Marcelo Abele Women’s Institute for Business Studies ng Rowan College of South Jersey. Bahagi ito ng Division of Business Studies na nagpapaunlad ng leadership skills at professional growth bukod sa scholarship sa mga babaeng estudyante sa RCSJ. Malaki ang naging ambag niya sa pagkakatatag ng naturang institute.

Ipinanganak si Abele sa San Pablo City sa Laguna rito sa Pilipinas.  Nagtapos siya ng Bache-or of Science in Education degree sa San Pablo College rito. 

Pero napakaliit ng sahod niya bilang guro noong nandito pa siya sa Pilipinas. Dalawa ang anak niya sa una niyang asawa noong nandito pa siya sa Pilipinas, na mag-isa niyang binubuhay. Anim na taong gulang pa lang ang anak niyang babae at wala pang isang taong gulang ang anak niyang lalake nang iwanan niya ang mga ito sa kanyang mga magulang para magtrabaho bilang cleaning lady, nanny at housekeeper sa Amerika.

“Sa Pilipinas, kulang ang sahod ko para mapalaki ko ang dalawa kong anak at mapag-aral sila hanggang kolehiyo,” sabi ni Abele sa Ingles sa Philadelphia Inquirer. “Kaya nag-aplay ako ng trabaho sa Europe, Saudi Arabia, Iran,  kahit saan, bilang domestic helper para makalabas ng bansa, iyon ang dapat ga-win-ang maging domestic helper.”

Nakakuha siya ng trabaho sa New York sa U.S.

“Napakahirap. Iniwan ko ang anak kong babae na anim na taong gulang at anak kong lalake na isang taong gulang,” pagbabahagi niya. “Sa airport, sinabihan ko ang anak kong babae, ‘huwag kang umiyak’.” Paborito ng anak niya ang Barbie hairpins at isang walking, talking doll. “Kaya sabi ko sa kanya, para maibigay ko ang gusto niya, kailangan kong lumayo at magtrabaho sa United States para maibili ko siya ng Barbie pins at ng manikang naglalakad at nagsasalita.”

Pagdating niya sa Amerika, nagtrabaho siya bilang companion at housekeeper ng isang matandang mag-asawa.Pero ayon kay Abele, inaapi at ikinukulong siya ng kanyang employer. Hindi siya pinapalabas ng bahay at binabawalan siyang gumamit ng telepono. “Wala akong kakilala at hindi ko alam kung paano makakahanap ng sasakyan. Wala akong sariling kuwarto. Natutulog lang sa isang sofa sa isang lungga. Nakatago lang sa maleta ang mga damit ko. Nasa cabinet sa ilalim ng lababo ang plato ko at kutsara.” Puro mga  tira-tirang pagkain ang pinapakain sa kanya. 

Pero isang mag-asawang kakilala niya sa lugar ang tinulungan siyang makatakas at makahanap ng ibang employer hanggang makapagtrabaho siya bilang yaya sa anak ng isang mag-asawang doktor sa Staten Island, NY.  Maganda ang trato sa kanya ng mga bago niyang amo kahit hanggang lumipat sila sa ibang lugar sa Houlton, Maine.  “Hindi housekeeper o babysitter ang trato nila sa akin. Itinuring nila akong miyembro ng pamilya at nakakabatang kapatid.”

Kinalaunan, nakilala at napangasawa niya noong 1984 si Merill Leslie Abele na may-ari ng isang lumber firm.  Tinulungan siya nitong mapapunta sa Amerika ang dalawa niyang anak. Nagbago ang kanyang buhay at karera. Naging magkatuwang sila sa negosyo hanggang sa magretiro ang kanyang mister noong 2003 at mag-isa na niyang pinangasiwaan ang bi-nuo nilang kumpanyang U.S. Lumber bagaman kasosyo na niya rito ang isa niyang anak na babae. 

Pero hindi naging madali sa kanya ang paghawak sa negosyo.  Hindi gaanong maintindihan ng iba ang pagsasalita niya ng Ingles dahil sa kanyang punto. Pero tinawanan na lang niya at dinadaan sa biro ang kanyang kapintasan. Ginawa niyang positibo ang negative accent niya at dinadaan sa biro. Sinasabi niya sa kustomer, ‘So if you heard my voice, you know, it’s Lita from U.S. Lumber and you’re gonna say, oh, let me place an order.’” At natatawa na lang sila. 

“Para magtagumpay, dapat magsipag ang isang tao, hindi mareklamo, at maging pursigido,” sabi ni Abele.  Isa anyang istratehiya sa negosyo ang pagpapatawa. 

Sa mga sandaling nalulungkot siya at pinanghihinaan ng loob, “ipinapaalala ko sa sarili ko ang aking mga pangarap.... iniisip ko ang mga anak at apo ko. Gusto kong makatapos ng pag-aaral ang mga apo ko....Gusto kong makapag-iwan ng legasya. 

Payo niya sa mga taong gustong magnegosyo, “....buksan mo kung ano ang nalalaman mo...magkaroon ng malakas na determinasyon, maging pursigido, matiyaga at sentidokumon,”

vuukle comment

OFW

WORKER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with