^

PSN Opinyon

Decentralization ng education sector, isinusulong!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

NALULUGMOK lalo imbes na umunlad ang estado ng edu­kasyon sa ating bansa. Kasi nga naman, napakarami at tila walang katapusan ang kinakaharap na suliranin ng sector ng edukasyon, lalo na ang kakulangan ng sapat ng silid aralan at pondo. Tunay na masakit sa bangs, este sa utak ng namumuno sa Department of Education (DepEd) di ba mga kosa? Subalit ang DepEd lamang ba ang dapat humanap ng solusyon sa krisis sa edukasyon? Tanong lang po! Siyempre, hindi. Dipugaaaaa! Get’s n’yo mga kosa?

Kaya tinatawagan ng advocacy group na Philippine Business for Education (PBEd) ang DepEd na palakasin ang pakikipag-ugnayan sa mga local na stakeholders, kabi­lang na ang local na pamahalaan upang tugunan ang mga ‘di mapuknat-puknat na problema sa sektor ng edukasyon. Naniniwala ang PBEd na patuloy na lalawak ang “educa­tional gap” at ang mga mag-aaral ang magiging kawawa kung hindi mabibigyan ng sapat na tulong ang DepEd. Dapat mabigyan ng mas malawak na papel ang mga local na pamahalaan sa mga programang para sa edukasyon. Mismooooo!

“Our current education crisis still demands more from us. Overcrowded classrooms in scorching heat, persistent mal­nutrition, lack of resources and teacher support, inconsis­tent assessments and quality checks are not just incon­veniences,” ayon kay PBEd chairman Ramon del Rosario Jr. “They are pitfalls that continue to widen the educational gap and leave millions of students behind. We should let local government units and communities play a more central role in education, so they can act on challenges and provide solutions closer to where the problems are,” dag­dag pa ni Del Rosario. Hehehe! Kailangan pa bang i-me­morize ‘yan?        

Binigyan diin naman ni PBEd executive director Justine Raagas ang sobrang lawak ng krisis sa edukasyon na hindi kakayanin solusyonan ng DepEd lamang. Aniya, kailangan ang “decentralized system” na magpapalakas ng kapasidad ng local stakeholders, kasama na ang local school boards, school heads at mga guro bukod sa local na pamahalaan. ‘Ika nga ni Raagas, mas mainam na posisyon at nalalaman ng local stakeholders ang tunay na kundisyin ng mga mag-aaral. Eh di wow!

Sa kasalukuyan ang Philippine Education System ang nangangalaga sa tinatayang 21 million na mag-aaral na tinuturuan ng mahigit 900,000 na guro sa 60,000 na paaralan sa buong bansa. Ayon sa PBEd mas mapapabilis matugunan ang kinakailangang reporma kung maisasagawa ang decentralization sa bawat rehiyon.

“A one-size-fits-all approach hinders local participation, delays resource allocation, and impedes contextualized education, ultimately contributing to the Philippines’ low performance in assessments including the Program for International Student Assessment,” paliwanag pa ni Raagas. Dapat ding magkaroon ng  “national accountability” system” kung saan ang bawat isa ay sasailalim sa isang standards and measure of success, ani Raagas. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs! Abangan!

vuukle comment

EDUCATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with