^

PSN Opinyon

Thai-Philippines Street Food Festival

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

Masaya, makulay, at tunay na nakakabusog ang ginanap na Thai-Philippines Street Food Festival sa lungsod nitong weekend.

Bilang selebrasyon sa 75th anniversary ng diplomatic relations at magandang pagkakaibigan ng Thailand at Makati ay nagdaos tayo ng dalawang araw na food fair sa Thailand Street (Rada) sa Barangay San Lorenzo.

Enjoy na enjoy nga kami sa pag-iikot sa mga booth na nagtatampok ng Filipino food, Thai delicacies, at mga masasarap na dessert at cocktails. Sino naman ang maka­katanggi sa nakakatakam na Pad Thai at Mango Sticky Rice at iba pang kilalang Thai dishes?

Hindi naman pahuhuli ang sariling atin dahil nandun din ang isa sa pride ng Makati na Lugawan sa Tejeros. At para naman labanan ang init ng summer, tumikim din kami ng refreshing drinks and cocktails. Solb na solb talaga ang mga Makatizen na pumunta dito. Hindi na kailangang gumastos ng malaking halaga para mag-enjoy ng masasarap na pag­kain at drinks.

Busog din ang mga mata sa traditional cultural perfor­mances na kumakatawan sa malalim na heritage at kultura ng ating bansa at ng Thailand. Ang event na ito ay naglalayong lalo pang palalimin ang maganda nang relasyon natin sa Thailand. 

Nagpapasalamat din ako kay Thailand Ambassador Tull Traisorat sa patuloy na tiwala at suporta sa Makati. Sa loob ng 75 years ay naging mabunga ang ating paki­kipagtulungan at kooperasyon sa embahada ng Thailand.

Kasama rin sa masayang opening ng Food Festival sina Cong. Luis Campos, Environment Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga, Tourism Secretary Maria Christina Frasco, Labor  Secretary Bienvenido Laguesma, Ms. Sharon Vital at Mr. Getty Granada mula sa Ayala Land, Ambassador Most Rev. Charles Brown III, mga miyembro ng diplomatic corps, Makati City Councilors, at pati na rin ang mga depart­ment heads natin sa City Hall. 

Inaalagaan at pinapahalagahan ng Makati ang magandang relasyon nito sa maraming bansa para sa pagpapa­tuloy ng maraming programa at mas pinaigting na kooperasyon natin sa kanila.

Noong Thursday ay nagdaos tayo ng National Day celeb­ration at traditional breakfast kasama ang ambassadors at embassy representatives ng Ireland, Pakistan, Greece, Bang­ladesh, South Africa, at The Netherlands sa Makati City Hall.

vuukle comment

FOOD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with