^

PSN Opinyon

Tips kung nakararamdam ng grabeng pagod

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Marami sa atin ang nakararamdam ng grabeng pagod. Kung nakararamdam kayo ng pagod, narito ang mga sumusunod na tips:

1. Magkaroon ng sapat na tulog sa gabi. Kung maaari ay pito hanggang walong oras na tulog ang gawin. Ito ang tulog na hindi naiistorbo.

2. Sundin and schedule ng pagtulog. Regular na matulog at gumising sa parehong oras araw-araw.

3. Bigyan ang sarili ng oras para mag-relax. Humingi ng tulong sa iba kung masyado ng marami ang trabaho o pagod na.

4. Iorganisa ang pang-araw-araw na schedule. Unahin ang mas importanteng gawin. Okay lang na hindi tapusin lahat.

5. Alamin ang mga bagay na nagdudulot sa iyo ng stress. Bawasan o iwasan ito.

6. Subukang mag-ehersisyo sa umaga. Ang ehersisyo ay nagbibigay ng lakas.

7. Paramihin ang sariwang hangin sa iyong bahay at trabaho. Ang sariwang hangin ay nagbibigay ng lakas.

8. Balansehin ang iyong kakainin. Isama rito ang pagkain ng maraming prutas, gulay, at whole grain. Kumain ng masustansyang almusal at huwag magpalipas ng gutom.

9. Kung sobra sa timbang, magdiyeta ng dahan-dahan. Ngunit iwasan ang sobrang pagbawas sa pagkain dahil baka lalo kang manghina.

10. Uminom ng 8-10 basong tubig. Kung ang iyong ihi ay malinaw ang kulay, ibig sabihin ay sapat ang iniinom na tubig, ngunit kung sobrang dilaw kinakailangan mong uminom ng mas maraming tubig.

11. Tingnan ang mga gamot na iniinom. May mga gamot ang may side effect na nagdudulot ng fatigue.

12. Itigil ang paninigarilyo. Ang paninigarilyo ay nakapagpapataas ng lebel ng pagod.

13. Bawasan o itigil ang pag-inom ng alak at kape. Ang mga ito ay naka-aapekto sa maayos na pagtulog.

14. Kung ang pagod ay patuloy pa rin kahit may sapat na pahinga at ito ay nagtagal ng dalawang linggo o higit pa, maaaring may ibang sakit na kailangang gamutin tulad ng: a) Anemia o mababang bilang ng red blood cell; b) Cancer; k) Low thyroid activity o mahina ang thyroid; d) Diabetes; e) Malalang impeksyon; g) Alcoholic; h) Sakit sa puso; i) Rheumatoid arthritis; l) Problema sa pagtulog tulad ng paghilik; m) sleep apnea; at n) Electrolyte imbalance o pagiging mataas o mababa ang potassium at sodium sa dugo.

TIPS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with