^

PSN Opinyon

Nagbebenta ng smuggled cigarettes, nasakote ng CIDG!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

NAGTULUNGAN na ang mga ahensiya ng gobyerno para tuldukan ang malawakang cigarette smuggling na nina­kawan ang administrasyon ni President Bongbong Marcos­ ng halagang P60 bilyon na taxes kada taon. Kaliwa’t kanan na ang isinasagawang raid ng mga awtoridad para waka­san­ ang raket na ito at ang huling naaresto ay itong si Jian­kang Cai, 58, ang may-ari ng YNC Trading na mata­tagpuan sa A. Jacinto St., Bgy. Poblacion ll, Tagbilaran, Bohol.

Ang raid ay tinatawag ni CIDG director Maj. Gen. Romeo “Bong” Caramat na Oplan Mega Shopper at ipinapatupad ito sa lahat ng sulok ng Pinas. Get’s n’yo mga kosa? Hehehe! Kaya’t sa mga cigarette smugglers d’yan, ingat-ingat din ‘pag may time dahil hindi kayo sasantuhin ng mga tauhan ni Caramat.

Ayon sa report ni Caramat, ang raid ay pinangunahan ng CIDG Regional Field Unit 7 sa bisa ng search warrant na inisyu ni Honorable Judge Rufo Naragas, ng Branch 48, ng Regional Trial Court (RTC) sa Tagbilaran City. Ang mga raiders ay armado ng alternative recording devices na Huwawei EC310 at Realme 8 Android Phone bilang pagtugon sa batas na “Rules on the use of body worn cameras in the execution of warrant.” Nakupooo! Airtight ang kaso na ito laban kay Cai, di ba mga kosa?

Hindi lang ‘yan! Ang raid ay sinaksihan nina Atty. Maria­ Rhona Vergara at Atty. Raoul Benedict Fernandez, mga representante ng Japan Tobacco Inc. Nakumpiska ng ope­rating units ng CIDG Bohol Provincial Field Unit (lead unit), Provincial Mobile Force Company ng Bohol Provincial Police Office, Bohol RIU, Naval Forces Central ng Philippine Navy, Maritime Police Station 7, at ng Tagbilaran City police, ang aabot sa P950,000 halaga ng smuggled cigarettes na Mighty Red at Mighty Green. Ayosssss ba Boss Sakur? Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Sinabi pa ni Caramat na isinagawa ang raid sa peaceful and orderly manner at sinaksihan din ni SK chairwoman Frazl Ann Egagamao, at Bgy. Tanod na sina Marvin Gallo at Joseph Baer. Ang mga ebidensiya ay dinala sa CIDG Bohol PFU at ang custodian ay si Pat. Prince Joshua Soleta. Hehehe! Swak na sa banga si Cai.

Itong cigarette smuggling ay dumadaan sa Southern backdoor at mukhang walang magawa dito ang Philippine Navy at Martime Command na nakadestino doon. Sanamagan! Anong sey mo Boss Sakur? Hamakin mo, nakarating na ang mga smuggled cigarettes sa Bohol, eh ang layo na n’un sa Sulu, at Zamboanga Peninsula, di ba mga kosa? Maraming probinsiya na ang dinaanan nito ah? Magkano…..este paano at hindi nasakote ito sa mga checkpoints? Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Subalit dahil nagtulong-tulong na ang mga ahensiya ng gobyerno para sawatain itong cigarette smuggling, t’yak may kasunod at mas malaki pang raid, di ba Gen. Caramat Sir? Mismooooo! Kaya’t sa mga nagtitinda ng smuggled cigarettes d’yan lagot kayo sa Oplan Mega Shopper ni Caramat ay may kalalagyan kayo, tulad ni Cai na kinasuhan ng violation of RA 8293 or infringement law. Abangan!

vuukle comment

CIDG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with