^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Ituloy ang PUV modernization

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Ituloy ang PUV modernization

Sa Abril 30 matatapos ang deadline sa consolidation ng mga jeepney para sa PUV Modernization Program (PUVMP). Sa ilalim ng PUVMP kailangang magconsolidate at maging miyembro ng mga kooperatiba ang mga jeepney driver at operator. ­Paglampas ng Abril 30, huhulihin na ang mga jeepney at i-impound. Maituturing nang colorum ang mga jeepney paglampas ng nasabing petsa.

Maraming beses nang pinagpaliban ang PUVMP pero dahil sa pakiusap ng mga drayber at operator, pinagbigyan sila. Panahon pa ni dating President Duterte nang simulan ang pag-implement ng PUVMP pero laging naipagpapaliban dahil sa pagbabanta ng transport groups na magsasagawa ng tigil-pasada. Marami pa rin ang tutol sa PUVMP at hinihiling na huwag i-phaseout ang mga jeepney na naging icon na raw at simbolo ng Pilipinas.

Ayon sa Deparment of Transportation (DOTr), 70 percent na sa kabuuan ang nakapag-consolidate sa ilalim ng PUVMP. Una nang sinabi ng DOTr-Office of Transportation Coope­ratives na ang mga operator na hindi nakapag-consolidate ay maaari namang lumipat sa consolidated cooperatives. Ang mga consolidated operators ay maaaring mag-aplay ng special permits at mag-deploy ng kanilang jeepneys sa mga apektadong lugar.

Noong Disyembre, sinabi ng DOTr na wala nang makapipigil sa PUVMP at tuluy-tuloy na ito. Itinakda ang Disyembre 31, 2023 para sa deadline. Maski si President Marcos Jr. ay nagsabing hindi na magkakaroon ng extension. Pero nagbigay uli ng panibagong extension hanggang Abril 30. Ito na raw ang huli at wala nang pagpapalawig pa.

Sabi ng lider ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (Piston), ang nanga­ngasiwa raw sa kooperatiba ang makikinabang sa consolidation. Mahigit P300,000 umano ang membership fee na kinukuha sa bawat jeepney operator para makapagmiyembro sa kooperatiba. Saan aniya kukuha ng ganito kalaking halaga ang operator?

Noong Biyernes, nagbanta ang transport group Manibela na magsasagawa sila ng tigil pasada bilang pagtutol sa PUVMP. Kailangan daw nilang magbalik sa kalsada para mapakinggan ng Presidente ang kanilang hinaing. Hindi umano sila susuko. Nagbabala naman ang ilang grupo na tataas ang pamasahe kapag nagpatuloy ang PUVMP.

Ituloy ang PUVMP. Sapat na ang pinagkaloob na palugit sa mga drayber at operator. Ipatupad ang batas. Ang maaapektuhang drayber ay ayudahan ng pamahalaan para makaraos sa buhay.

vuukle comment

PUV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with