^

PSN Opinyon

Gen. Marbil, maka-pulis ang mga programa!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Nagpalabas ng 11-point guidance si PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil para giyahan sa trabaho ang kapu­lisan at mapalapit pa sila sa mga Pinoy. Nirebisa ng mga kosa ko ang kautusan ni Marbil at lahat sila ay sumang-ayon dahil pabor sa pulis ang mga ito at na-streamline ang kanilang trabaho. “Tama lahat ‘yan. Maka-pulis. Ang galing at ngayon pa lang napabilib na ako,” ayon sa isang Colonel.

Kung sabagay, isa lang naman ang marching orders ni President Bongbong Marcos kay Marbil at ‘yan ay ang ligtas na Bagong Pilipinas. “Dapat maramdaman ng mga tao ‘yung kapulisan natin. Ano ba talaga ang mga pulis natin, asan ‘yung mga pulis natin,” ani Marbil sa press briefing noong Martes. Sa liderato niya, iginiit ni Marbil ang No. 1 talaga is always public service. Dipugaaaaa! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Ang CPNPs guidance ay ang sumusunod: short flag raising (15-30 minutes); 7:45 a.m. all personnel in the office; proper recording of crimes;  patrollers not allowed to use cell phones (police visibility); restructuring of IPER/UPER; application for PDs/RDs will be removed; new parameters will be set in Exclusive positions; no PCR in NOSU/NASU/ no PCR in IG, only in PROs; auxiliary punishment will be implemented (not allowed to go back in the same position); one month moratorium (reshuffle) in respect to former CPNP, and will fix issue on duty detail (walang taong gising ng 24 oras).

Hayan, walang tumutol sa mga kosa ko sa guidance ni Marbil dahil ayon sa kanila maka-pulis ito. Eh di wow! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Sa totoo lang matagal nang inireklamo ang flag raising dahil may pagkakataon na halos dalawang oras na nakatayo ang mga pulis. Kaya’t minsan may hinihimatay, lalo na ang mga pulis na walang tulog o wala sa kondisyon.

“Public service ang pinakauna namin, so early in the morning we don’t spend so much time doon sa mga parada, sa mga flag-raising,” ang giit ni Marbil..”Before 8 a.m. dapat we are ready to accept all our clients. Doon tayo nagugus­tuhan ng tao. Kung mas maaga and ‘yung lahat ng mga problema nila naso-solve natin sa early as possible and I think it’s the best for the PNP to move,” ang dagdag pa n’ya. May punto si Marbil no mga kosa? Hehehe! Si Marbil lang ba ang nakakaisip n’yan? Ano sa tingin n’yo mga kosa?

Ayon kay Marbil, panahon na para ang PNP ay mag-iinvest sa AI dahil sa mga bagong pamamaraan sa pag-unlad ng mga bansa.”Sabi ko nga kanina, anlaki ng tulong ng AIs with crime prevention and crime solution natin,” aniya. Magiging hi-tech na din ang PNP sa policing para sa crime prevention at crime solution.

“It’s the future, so we will be coming up with a 5 year development plan kung papaano natin talaga magagamit yung new technology ng policing sa ibang country na puwede naman sa Philippines,” ayon pa kay Marbil. Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Ang lahat namang programa ng pinalitan n’yang si ret. Gen. Benjamin Acorda Jr. ay ipagpatuloy ni Marbil. Di tulad ng mga nakaraang CPNP na may dala silang mga bagong programa na hindi naka-align sa priorities ng PNP. “So ang mga ginagawang kabutihan ng mga pulis sa liderato ni Acorda ay ipagpatuloy ko at kung may kailangang i-improve ay gawin ko,” ang sabi ni Marbil. Hehehe!

Mukhang maganda ang panimula ni Marbil ah at sana ‘wag s’ya bumitaw sa mga gfuidance n’ya dahil ngayon lang naramdaman ng mga pulis na mahal sila ng ama nila. Mismooo! Abangan!

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with